#WomensDay | Paglala ng kanilang kalagayan, batayan ng panawagang #AquinoResign ng kababaihan

March 9, 2015

Iba-ibang porma
Sinayaw ng mga lider-kababaihan, kasama ang mga babaing manggagawa, ang kani-kanilang bersiyon ng sayaw para sa One Billion Rising Revolution. Jaze Marco
Sayaw-itsa
Mga miyembro ng Sining Bulosan ng Migrante International. Boy Bagwis
Ayon sa kababaihang manggagawa ng Kilusang Mayo Uno, tumindi ang kahirapan nila sa ilalim ni Aquino dahil sa pagtutulak ng huli ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, habang di binibigyan ng nakabubuhay na sahod ang mga manggagawa. Boy Bagwis
Kuha niDarius Galang
Sa init ng araw
Hawak ang mga banderitas na nananawagan ng pagbibitiw ni Aquino, naghandang magmartsa patungong Mendiola ang mga nanay at anak nila. Macky Macaspac
Laksa-laksa
Martsa patungong Mendiola. Darius Galang
Kabahagi ang LGBT
Dala ng mga kabataan at miyembro ng komunidad ng LGBT ang rainbow flag na nananawagan ng hustisya para kay Jennifer Laude. Jaze Marco
Babaing obrero
Kababaihan ng Kilusang Mayo Uno. Jaze Marco
Alagad ng sining
Kasama sa martsa ng Women for Aquino's Resignation (Warn) ang mga babaing artista tulad ni Skarlet Brown (mang-aawit ng Put3Ska at Brown Beat All Stars, pang-apat mula sa kaliwa). Macky Macaspac
10,000 nagmartsa
Martsa patungong Mendiola. Pher Pasion
Kuha ni Pher Pasion
Kuha ni Pher Pasion
Kuha ni Boy Bagwis
Sigaw
Sigaw para sa kanyang pagbibitiw. Boy Bagwis
Migrante't kaanak
Nakiisa ang mga migrante at kaanak nila sa artsa ng kababaihan. Kuha ni Pher Pasion
Konsehong Bayan
Idinagdag ng kababaihan ang boses nila sa mga nananawagan ng isang Transition Council na siyang papalit sa isang magbibitiw na Pangulo. KR Guda
Sakay ng drone at Peleliu
Dinala ng mga demonstrador sa Mendiola ang isang effigy ni Aquino na nakasakay sa isang drone, habang nasa ibabaw din ng USS Peleliu, ang barkong pandigma na sinakyan ni PFC Joseph Scott Pemberton, ang sundalong Kano na akusado sa pagpaslang kay Jennifer Laude. Darius Galang
Hila pababa
Hinila ng kababaihan ang effigy ni Aquino papaba ng eroplanong drone at barkong pandigma. Boy Bagwis
Kuha ni Jaze Marco
Taas-kamao pa rin ang simbolo ng paglaban ng kababaihan. KR Guda
Kuha ni KR Guda
Kuha ni KR Guda
Kuha ni KR Guda
Kuha ni KR Guda
Kuha ni Pher Pasion
Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela: Hindi na matitiis kahit ng pinakamatiising babae, ang panunungkulan ni Aquino. Priscilla Pamintuan
Sulo ng kababaihan
Naghawak ng sulo ang kababiahan ng Gabriela bilang pagtatapos ng programa sa Mendiola. Macky Macaspac
Kuha ni Pher Pasion

PW march 8 meme

Aabot sa 10,000 kababaihan at iba pang mamamayan ang nagprotesta sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ngayong Marso 8 para ipanawagang bumaba na sa puwesto ang anila’y “pahirap, pahamak, pabaya, at pasista” na si Pangulong Aquino.

Sa umaga, lumahok ang ilang miyembro at lider ng grupong pangkababaihan ng Gabriela sa sympathy march ng ilang aktibo at retiradong miyembro ng pulisya kasama ang ilang kaanak ng police commandos na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Sa hapon, naglunsad ang grupo ng malakihang programa sa harap ng Bonifacio Shrine sa Maynila para igiit ang katotohanan at pananagutan ng administasyong Aquino sa Mamasapano.

Pagkatapos, nagmartsa ang kababaihan at iba pang sektor mula Bonifacio Shrine patungong paanan ng Malakanyang sa Mendiola Bridge, Manila para igiit ang pagbibitiw ni Aquino.

Wala nang puwang ang pagtitiis para sa kababaihan at mga mamamayan sa serye ng kapalpakan ng administrasyong Aquino–mula sa Luneta hostage crisis, kapabayaan sa mga biktima ng mga bagyo gaya bagyong Yolanda, Zamboanga siege, eskandalo sa congressional at presidential pork barrel, at ang pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, ayon sa Gabriela.

Kailangang magbitiw

Hindi lamang ang nangyari sa Mamasapano ang basehan ng kababaihan sa kanilang panawagan para bumaba si Aquino sa puwesto.

Maliban sa nasabing insidente, wala umanong kahulugan ang limang taon ni Aquino kundi pinakamataas na bilang ng mga kaso ng karahasan sa kababaihan at mga bata, pinakamataas na bilang ng kababaihang walang trabaho, at pinakamataas na presyo ng pagkain, ng yutilidad, at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan.

Naranasan din ng kababaihan ang pinakabulok na kalagayan ng serbisyong panlipunan sa bansa, gayundin ang pinakatalamak na pagkakaapi ng kababaihan at mga mamamayang Pilipino, ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

“Kapag ganito ang pangulo, kapag ganito ang kanyang pamumuno, kahit siguro ang pinakamatiisin, pinakapasensiyosa, pinakamaunawaing babae, magsasabing tama na, sobra na ang pahirap! Aquino, mag-resign ka na, lumayas ka na,” sabi ni Salvador, sa kanyang talumpati sa programa sa Mendiola.

Punakahuli na lang ang insidente sa Mamasapano sa maraming kaso ng pagtraydor diumano ni Aquino sa mga mamamayan, ayon sa Gabriela. <b>Macky Macaspac</b>

Punakahuli na lang ang insidente sa Mamasapano sa maraming kaso ng pagtraydor diumano ni Aquino sa mga mamamayan, ayon sa Gabriela. Macky Macaspac

Dahil umano nakaugat sa mga polisiya at patakaran ng estado ang patuloy na karahasan at kahirapan ng kababaihan at mga mamamayan, naging rebolusyon ang panawagan ng kampanyang One Billion Rising (OBR) ngayong taon.

“Ang naging panawagan natin ay mag-resign na si Aquino. Dahil hindi natin puwedeng baguhin ang sistema kung ang pangulo ay ang siyang pinakabulok,” ani Monique Wilson, global director ng OBR at isang aktibista.

Dagdag ni Wilson, hindi matatanggal ang lebel ng karahasan, kahirapan, at impunity na nararanasan ng kababaihan kung ang pangulo ay “walang compassion, walang silbi, at walang pakialam sa kababaihan.”

Ayon sa Center for Women Resources, tinatayang nasa 45 kaso kada araw ang naitatalang kaso ng domestic violence noong 2013. Mas mataas ito ng 43 porsiyento noong 2012. Ibig sabihin isang babae ang nabubugbog kada 31 minuto.

Tumaas din nang 24 porsiyento ang bilang ng naitalang mga kaso ng panggagahasa, mula 5,180 noong 2012 sa 6,432 sa taong 2013. Katumbas ito ng isang babae o bata ang nagagahasa kada isang oras at 21 minuto.

Mga bata ang 75 porsiyento ng mga biktima sa mga kasong naitala. Maliban pa rito, isang babae o bata ang nakararanas ng panghaharas kada dalawang oras at 25 minuto.

“Ang mga patakarang pang-ekonomiya at pangpulitika ay lalong nagluluwal ng kulturang marahas lalong lalo na sa kababaihang kabilang sa uring inaapi at pinagsasamantalahan,” ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus.

Pagsulong

Itinakda ng Gabriela ang Marso 8 bilang hudyat ng pag-igting ng panawagan para sa agarang pabibitiw ni Aquino sa pagkapangulo. Malinaw para sa kababaihan na bigo ang administrasyong Aquino para isulong ang kapakanan at kagalingan ng mga mamamayan partikular ng kababaihan.

“Nangangako tayo sa araw natin, mas malaking pagkilos, mas malaking pagtitipon ng mga mamamayan, mas malaking paglaban dahil ayaw na natin  na ang ating kababaihan, ang ating pamilya, ay pinahihirapan at pinahahamak ni Aquino,” ayon kay Salvador.

Layon nilang itayo ang isang people’s transition council o isang konseho na binubuo ng mga nagpatalsik kay Aquino sa puwesto. Layunin ng konsehong ito, na magtalaga ng mga reporma at pansamantalang patakbuhin ang gobyerno para bigyan-daan ang isang eleksiyon.

“Hamon ito ng pagbabago. Nasa ating kamay para mabago ang ating landas. Nasa kamay ng mga mamamayan ang kapangyarihan para tayo ay tumahak ang landas ng pagbabago at paglaya,” ayon kay Liza Maza , tagapagsalita ng Noynoy Aquino Out Now!, network ng mga grupo at personalidad na nananawagan ng pagbitiw ni Aquino.

Kailangang pumili ang mga mamamayan, anila, sa pagitan ng paghintay ng panibagong kapalpakan ng administrasyong Aquino at patuloy na itago ang katotohanan, o ang pababain sa puwesto si Aquino at itayo ang konseho ng mga mamamayan.

“Sa diwa ng rebolusyunaryong si Gabriela Silang, narito (ang kababaihan sa Mendiola) kasama ang mga mamamayan, kasama ang kalalakihang inaapi’t pinagsasamantalahan. Itutuloy natin ang pakikibaka,” pagtatapos ni De Jesus.

Teksto ni Pher Pasion | Larawan nina Boy Bagwis, Darius Galang, Macky Macaspac, KR Guda, Jaze Marco at Pher Pasion