Librong ‘Kuro-kuro’ ni Prop. Danilo Arao, lumabas na

March 17, 2015

Cover ng librong "Kuro-kuro" ni Prop. Arao

Cover ng librong “Kuro-kuro” ni Prop. Arao

Lumabas na ang librong may titulo’t mga kabanatang doble-doble ang pagkakasulat.

Inilabas na ng Flipside Publishing ang librong “Kuro-kuro” ni Danilo Araña Arao at mada-download na ito sa Google Play, iTunes, Kobo, Barnes & Noble at Flipreads.

Google Play: https://play.google.com/store/books/details?id=SVgeBwAAQBAJ

iTunes: https://itunes.apple.com/us/book/kuro-kuro/id975994342

Kobo: https://store.kobobooks.com/en-US/ebook/kuro-kuro

Barnes & Noble: http://www.barnesandnoble.com/w/books/1121400937

Flipreads: http://flipreads.com/kuro-kuro

Prop. Danilo A. Arao

Prop. Danilo A. Arao

Ang libro ay binubuo ng 40 sanaysay sa wikang Filipino na nahahati sa anim na kabanata: Muni-muni; Pera-pera; Bola-bola; Bali-balita; Buhay-buhay; at Suroy-suroy.

Ayon kay Arao, sinadya ang “doble-dobleng” katangian ng mga titulo. “Kailangan kasing gamitin ang pag-uulit ng ilang salita sa wikang Filipino para idiin ang isang mahalagang bagay — patong-patong ang mga problemang kinakaharap ng ating mga mamamayan,” sabi niya.

Si Arao ay kawaksing propesor ng peryodismo (associate professor of journalism) ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Ang “Kuro-kuro” ay ang kanyang ikalimang libro ng mga sanaysay sa wikang Filipino.

Matatandaang ang bersyong e-book ng kanyang librong Hay, Naku! 2013: Pagsusuma ng Isang Peryodista ay inilimbag din ng Flipside Publishing.

Tulad ng iba pa niyang mga libro, ang author’s royalties para sa pagbebenta ng “Kuro-kuro” ay mapupunta sa pagpapagamot ni Lordei Hina, isang estudyante ng UP Diliman na naging biktima ng pananaksak sa loob ng kampus noong Pebrero 2012.