Larawan | Sigaw sa Araw ng Karapatang Pantao: Wakasan ang abusadong rehimen

December 12, 2014

Manilakbayan ng Mindanao
Pinangunahan ng mga "lakbayani" mula sa Mindanao ang martsa ng libu-libo ngayong Human Rights Day sa Maynila. KR Guda
Hustisya't lupa ang hangad
Sumama sa protesta ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita na di pa rin nakakamtan ang hustisya 10 taon matapos ang masaker. KR Guda
Determinado
Lalong nahasa sa paglaban ang mga katutubo dahil sa paglahok nila sa Manilakbayan. KR Guda
Ugat ng tunggalian
Ipinanawagan ng health workers sa ilalim ng Health Alliance for Democracy o HEAD na lutasin ang ugat ng armadong tunggalian. KR Guda
"Bomba King, patalsikin!"
Iyan ang bagong tawag ng kabataan ng Anakbayan sa presidenteng nanguna sa pagbomba at pananalakay sa mga sibilyang komunidad sa kanayunan ng bansa. KR Guda
Martsa ng kabataan
Hanay ng mga grupong pangkabataan. KR Guda
Ipinakukulong
Dapat umanong panagutin, patalsikin at saka litisin ang pangulong di lang lumalabag sa karapatang pantao, nangungurakot pa sa uri ng luma at bagong porma ng pork barrel, ayon sa Bayan Muna Party-list. KR Guda
Di-papipigil
Di naging hadlang ang kanyang kapansanan sa paglahok sa martsa para ipanawagan ang pagbasura ng trumped-up charges laban sa mga aktibista, human rights defenders at iba pang lumalaban para sa hustisya sa bansa. KR Guda
Mahal ang sariling lupa
Mahal umano niya ang Mindanao kaya nananawagan siyang umalis na ang mga tropang Amerikano sa bansa, ayon sa isang Lumad na lakbayani. KR Guda
Libu-libo
Martsa ng libu-libo para ipanawagan ang paggalang sa karapatang pantao sa bansa. Pher Pasion
Kawalang-hustisya
Sa mga plakard, ipinanawagan ng mga nagmartsa ang hustisya para sa partikular na mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. KR Guda
Itigil ang atake sa mga eskuwela
Kasama sa mga nagprotesta ang Save Our Schools Network, na siyang network ng mga advocate, kabataan at alternative education institutions para depensahan ang mga eskuwelahang pinapasok ng militar sa counter-insurgency operations ng huli. Pher Pasion
Kaso ni Leonard Co
Isa sa mga kaso ng kawalang hustisya ang pagpaslang ng mga militar sa siyentista at environmentalist na si Leonard Co at dalawang kasamahan niya noong Nob. 2010. KR Guda
Sagipin
Nanawagan ang Migrante International sa publiko na suportahan ang "pagsagip" sa Mindanao, na pinakatan umano ngayon ng 55 batalyon ng Armed Forces of the Philippines. KR Guda
Pagtatanghal
Pagkanta ng mga batang Lumad, pagdating sa Mendiola. KR Guda
Karapatang pantao rin ang LGBT rights
Mga miyembro ng LGBT community, kasama ang ilang tagasuporta nila tulad ng dating mga kongresistang sina Satur Ocampo at Liza Maza. Nakiisa ang Kapederasyon sa protesta. KR Guda
Militar, paalisin
Mga lider-Lumad, pagdating sa Mendiola. Macky Macaspac
Pinuno ang Mendiola
Pinuno ng mga demonstrador ang Mendiola para sa kanilang protesta ngayong Human Rights Day. Pher Pasion
Para kay Jennifer
Ililadlad ng mga miyembro ng LGBT community ang malaking rainbow flag na may nakasulat na panawgang hustisya para kay Jennifer Laude, habang nagsasalita ang tagapagsalita ng Kapederasyon. KR Guda
Lilipulin
Pagtatanghal ng isang street play na nagpapakita kung papaano umano lilipulin ng mga mamamayan ang abusadong mga militar. KR Guda
Sinunog
Pinasimulan ni Marie Hilao-Enriquez ng Karapatan at iba pang lider-progresibo ang pagsunog sa effigy ni Pangulong Aquino. Macky Macaspac
Nasusunog na ang imahe ni Aquino, pero hawak pa rin ang watawat ng US. KR Guda
Kuha ni KR Guda

Umabot sa 204 ang bilang ng mga biktima ng pampulitikang pamamaslang mula Hulyo 2010 hanggang Hunyo 2014. Sa bilang na ito, 117 magsasaka at 49 katutubo.

Ito, at marami pa, ang dahilan kung bakit nagmartsa ang libu-libong mamamayan sa Araw ng Karapatang Pantao nitong Disyembre 10. Sa programa sa Mendiola, Manila, inihayag nila ang husga sa administrasyong Aquino: di na dapat magtagal sa puwesto ang pangulong may mahabang rekord ng paglabag sa karapatan ng mga mamamayan.

Pinangunahan ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang protesta. Nilahukan ito ng Manilakbayan ng Mindanao–ang humigit-kumulang 300 Lumad, magsasaka at iba pang mamamayan mula sa Mindanao na naglakbay patungong Maynila para ipakita sa madla ang malawakang militarisasyon sa kanilang mga komunidad, na binabantaan din ng malawakang komersiyal na pagmimina at pagtotroso.

Lumahok din sa martsa-protesta at programa sa Mendiola, Manila ang daan-daang tao mula sa Timog Katagalugan at Central Luzon, lalo na mula sa Hacienda Luisita sa Tarlac.

Nagmartsa din ang libu-libong miyembro ng iba’t ibang sektoral na organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan.