Exposé ni Tinio sa bagong porma ng pork barrel, sinuportahan ng mga guro

August 14, 2014

Sina ACT Teacher's Rep. Antonio Tinio (kaliwa) at Alliance of Concerned Teachers Secretary General France Castro kasama ang iba pang guro sa protesta sa harap ng Kamara.<strong>Pher Pasion</strong>

Sina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio (kaliwa) at Alliance of Concerned Teachers Secretary General France Castro kasama ang iba pang guro sa protesta sa harap ng Kamara.Pher Pasion

Pinaninindigan ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang pagsiwalat ng kanyang recordings sa isang executive sessions sa Kamara na nagpapatunay na buhay pa rin ang pork barrel sa gobyernong Aquino.

Sinusuportahan siya ng kapwa mga guro.

Sa kabila ito ng pagbasura ng Kamara sa ikaapat na impeachment complaint na isinumite nina Tinio kasama ang iba pang guro at akademiko noong Agosto 11. “Mukhang di nila binasa o inaral ito (ikaapat na impeachment complaint) at agad nilang ibinasura ilang oras lamang pagtapos ipasa,” ayon kay Tinio, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), simula pa lamang, tila hindi nais tanggapin ng Kamara sa pangunguna ni Espiker Feliciano Belmonte Jr. ang ikaapat na impeachment complaint dahil wala raw ang solicitor general noong araw na iyon at kung kani-kanino sila ipinapasa at pinaghihintay.

Di takot makasuhan

Samantala, sinabi ng mga alyado ng Palasyo na maaaring kasuhan umano si Tinio ng paglabag sa Republic Act No. 4200 o ang Anti-Wiretapping Law sa pagrerekord at pagsasapubliko umano ng nasabing pulong.

(Basahin dito ang transcript ng audio recordings.)

Nakahanda si Tinio na harapin ang anumang reklamo laban sa kanya ng Ethics Committee sa Kamara. Naninindigan ang kongresista na walang mali sa kanyang ginawa na ipaalam sa publiko na buhay at nariyan pa rin ang pork barrel sa badyet.

“Pilit tayong tinatakot at pinagbabantaan para mapatalsik sa Kongreso. Itutuluy-tuloy natin ang laban. Ang laban sa pork barrel ay laban para sa mga kawani at para sa mga mamamayan,” ani Tinio, sa pagharap sa mga guro.

Sa kilos-protesta ng mga guro sa harap ng Batasan Pambansa noong Agosto 13, sinabi ni France Castro, pangkalahatang kalihim ng ACT, na umpisa pa lamang iyon sa serye ng mga protesta para suportahan ang kanilang representante sa Kamara at igiit ang pagbabasura sa sistema ng pork barrel.

Panawagan ng mga guro na panagutin ang lahat ng sangkot sa pork barrel.<strong>Pher Pasion</strong>

Panawagan ng mga guro na panagutin ang lahat ng sangkot sa pork barrel. Pher Pasion

“Tama lang ang ginawa na ibunyag ito ni Tinio. Idineklara nang ilegal (ang pork barrel, pero) ginagamit pa. Itinatago ang masamang gawain sa executive session. Sa halip na tugunan ang pagsasampa ng impeachment ang iniisip ay kung paano parurusahan si Tinio sa pagsasabi ng katotohanan,” ayon kay Castro.

Kabalikan sa pagsisiwalat

Ipinagtanggol naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares si Tinio.

Hindi naman umano nilabag ng kapwa kongresista ang anumang probisyon sa wiretapping law dahil nagmula ang kanyang inirekord sa pampublikong mga opisyal na tinatalakay ang alokasyon ng publikong pondo sa isang publikong lugar.

The claim that an executive session is akin to a private conversation is bereft of any legal basis.  Under Section 7 of the rules of the House on inquiries in aid of legislation, an executive session is limited to cases that involves threats to national security.  There is no way that a hearing on CHED (Commission on Higher Education) scholarships can threaten national security.  Additionally, executive sessions cannot be used to commit or cover up a crime,” ayon kay Colmenares.