MGA LARAWAN | Pirma’t protesta kontra pork barrel sa Luneta at Mendiola

August 26, 2014

Martsa para sa People's Initiative, gayund din para sa iba pang para panagutin ang kasalukuyang administrasyon dahil sa pagpapanatili ng sistema ng pork barrel. KR Guda

Martsa para sa People’s Initiative, gayund din para sa iba pang para panagutin ang kasalukuyang administrasyon dahil sa pagpapanatili ng sistema ng pork barrel. KR Guda

Umarangkada na ang pagpapapirma para sa People’s Initiative to Abolish the Pork Barrel System.

Matapos ang paglulunsad ng panukalang batas na ito sa pamamagitan ng People’s Congress sa Cebu City nitong Agosto 23, isang malaking pagtitipon ng di-bababa sa 20,000 katao naman ang isinagawa ng iba’t ibang grupong kontra-pork barrel sa Luneta Park, Manila para pasimulan ito sa Kamaynilaan.

Isinagawa ito nitong Agosto 25, bisperas ng unang anibersaryo ng makasaysayang Million People March sa Luneta, na malakihan ding protesta ng mga mamamayan kontra sa pork barrel system noong nakaraang taon.

Ngayong taon, lalong umigting ang panawagang wakasan ang sistema ng lump sum appropriations, o paglaan ng bilyun-bilyong piso na pondo na kontrol ng Presidente (sa kaso ng Disbursement Acceleration Program) o mga mambabatas (sa kaso ng Priority Development Assistance Program) matapos magdesisyon ang Korte Suprema na ibasura ang naturang gawain sa gobyerno.

“Matagumpay ang pagkilos ngayon. Malaking bilang pa rin ang nagpunta sa Luneta, nakiisa sa pagtitipon. Nakatutuwa dahil maraming grupo ang nagtulong-tulong. Maraming  sektor ang kumilos,” ayon kay Renato Reyes Jr, pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Sinabi pa ni Reyes na nangangailangan ng pagpapaigting ng kampanya kontra sa pork barrel dahil sa pagmamatigas ng Pangulo na panatilihin ito sa 2014 at 2015 badyet. Ayon sa impeachment complaints na isinampa sa Kamara noong Hulyo, direktang sinusuway ng Palasyo ang mga desisyon ng Korte Suprema at gumagawa pa ng mga hakbang para tapyasan ang kapangyarihan ng naturang nakatataas na korte.

“Sa paggunita natin sa Pambansang Araw ng mga Bayani at sa pag-alala kung paano pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mag sedula at tumindig laban sa kolonyal na paghahari ng Espanya, pinupunit natin ngayon ang discretionary pork funds ni Aquino at nagsasabing hindi na muli kailanman (papayag) sa korupsiyon, at pang-aabuso ng kapangyarihan at diktadura,” ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan.

Administrasyong maka-pork

Kahit na ilang beses na sinabi ni Aquino na tinanggal na ng kanyang administrasyon ang pork barrel, minamantine pa rin ang sistemang ito ng administrasyong Aquino.

Ilang pinanghahawakang patunay nito, ayon sa mga tagapanguna ng People’s Initiative:

(1)  Nananatili ang lump-sum appropriations sa pambansang badyet noong 2014, na napatunayan mismo sa mga pahayag sa isang executive session ng ilang opisyal ng Ehekutibo–makikita ito sa isiniwalat na audio recordings ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ng naturang sesyon;

(2) May lump-sum appropriations pa rin sa panukalang pambansang badyet sa susunod na taon na nagkakahalagang P501.6-Bilyon;

(3) Sa pamamagitan ng pagbago sa depinisyon ng “savings” sa 2015 badyet, gustong iwasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang desisyon ng Korte Suprema noong Hulyo 1 sa desisyong 13-0 na nagdedeklarang di-sang-ayon sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na malinaw na isang mas malaking porma ng pork barrel;

(2) Mula Hulyo 14 hanggang sa State of the Nation Address ng Pangulo noong Hulyo 28, todo-depensa siya sa DAP.

“Malinaw na mayroon pa ring pork. Nagmamaang-maangan lang ang gobyerno sa pagsasabi nilang wala. Kailangan talaga nila ng pork kasi ‘yan ang magpapatakbo sa Cha-Cha (Charter-Change). ‘Yan ang ipambabayad nila sa mga congressman. Kaya bantayan natin ‘yan. Hindi talaga magkahiwalay ang Cha-Cha at pork,” ayon kay Reyes.

People’s Initiative

Isa ang People’s Initiative sa mga iniluwal na kampanya ng Million People March na naglalayong makakalap ng anim hanggang 10 milyong prima mula sa mga botante para maipasa ang isang batas na magtatanggal sa lahat ng porma ng pork barrel.

“Exactly one year ago, we held the ‘Million People March against the pork barrel’ in Luneta to demand accountability and an end to the pork barrel system. Today, we level up the fight by calling on six million voters to approve a law to prohibit pork barrel funds in the national budget and require line item budgeting for public funds,” ayon kay Monet Silvestre, isa sa mga organisador ng MPM noong nakaraang taon at isang lider ng #AbolishPork Movement.

Nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang grupo para dito na nagpapakita umano kung gaano kalawak na mga mamamayan ang naghahangad ng pagbabago.

“Sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga mamamayan, simbahan, at iba pang grupo, maipapakita natin sa administrasyong Aquino kung ano ang tunay na nais ng sambayanan. Ang pag-abot sa kinakailangang bilang ng lagda ay malaking gawain, pero ang mga kabataan at ang mamamayan ay nakahanda para rito,” ani Kabataan Rep. Terry Ridon.

Hinamon naman nina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Carlos Zarate si Aquino at mga kaalyado niya na pumirma sa People’s Initiative laban sa sistema ng pork barrel kung tunay na tutol sila sa pork barrel.

“Laging sinasabi ng Pangulo (Aquino) at mga kaalyado niya na wala nang pork barrel funds sa 2015 budget. (P)ero iba ang alam natin, dahil mayroong malalaking lump sums sa badyet na wala nang iba pa kundi pork. Nakay Aquino ang pinakamalaking pork barrel sa kasalukuyang badyet at maging sa panukalang badyet para sa 2015. Kung talagang tutol si Pangulong Aquino sa pork barrel, dapat siyang pumirma sa People’s Initiative at iwasan ang lahat ng pork mula sa DAP, PDAF at iba pang porma nito,” ayon kay Colmenares.

Tekstong ulat ni Pher Pasion

Ilan sa mga larawan sa Stand up, Sign Up! protesta sa Luneta Park, at martsa ng Bagong Alyansang Makabayan patungong Mendiola, Manila:

Maagang nagsimula ang paglagda ng mga tao sa maraming booths sa Luneta Park. Ayon sa mga organisador, umabot ng mahigit 10,000 ang nakilom nilang lagda para sa People's Initiative noong araw lang na iyun. Macky Macaspac

Maagang nagsimula ang paglagda ng mga tao sa maraming booths sa Luneta Park. Ayon sa mga organisador, umabot ng mahigit 10,000 ang nakilom nilang lagda para sa People’s Initiative noong araw lang na iyun. Macky Macaspac

Nagmartsa mula sa Plaza Salamanca ang libu-libong miyembro ng mga progresibong grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Macky Macaspac

Nagmartsa mula sa Plaza Salamanca ang libu-libong miyembro ng mga progresibong grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Macky Macaspac

Naka-pedicab na pumunta sa Luneta ang isang pamilyang ito. Macky Macaspac

Naka-pedicab na pumunta sa Luneta ang isang pamilyang ito. Macky Macaspac

Mga madre ng Siena College na sumuporta sa People's Initiative. Macky Macaspac

Mga madre ng Siena College na sumuporta sa People’s Initiative. Macky Macaspac

Isa sa sign up booths sa Luneta. Ilang-Ilang Quijano

Isa sa sign up booths sa Luneta. Ilang-Ilang Quijano

Ilan sa maraming istrimer ng mga tumungong Luneta. Pher Pasion

Mga miyembro ng Lila Pilipina, organisasyon ng mga comfort women (biktima ng seksuwal na pang-aabuso noong World War II) at kaanak nila. Pher Pasion

Mga estudyante at guro ng Alliance of Concerned Teachers. Macky Macaspac

Mga estudyante at guro ng Alliance of Concerned Teachers. Macky Macaspac

Kuha ni Macky Macaspac

Kuha ni Macky Macaspac

Ang "sinasambang baboy" na may mata ni Pangulong Aquino. KR Guda

Ang “sinasambang baboy” na may mata ni Pangulong Aquino. KR Guda

Isang booth ng Salinlahi Alliance for Children's Concerns na nagsilbing day care center para sa mga anak ng mga lumahok sa protesta. Macky Macaspac

Isang booth ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns na nagsilbing day care center para sa mga anak ng mga lumahok sa protesta. Macky Macaspac

Eksibit ng Agham, organisasyon ng makabayang mga siyentista, hinggil sa mga pulitiko na sangkot sa pork barrel scam. Michael Francis Andrada

Eksibit ng Agham, organisasyon ng makabayang mga siyentista, hinggil sa mga pulitiko na sangkot sa pork barrel scam. Michael Francis Andrada

Kontra sa "dilawang diktadura" ang kababaihan ng Gabriela. Pher Pasion

Kontra sa “dilawang diktadura” ang kababaihan ng Gabriela. Pher Pasion

Mga kasapi ng Migrante International, organisasyong nangangalaga sa karapatan ng mga Pilipino sa ibayong dagat at kaanak nila. Ilang-Ilang Quijano

Mga kasapi ng Migrante International, organisasyong nangangalaga sa karapatan ng mga Pilipino sa ibayong dagat at kaanak nila. Ilang-Ilang Quijano

Apat na mukha ng "kababuyan" sa likod ng isang aktibistang kontra-baboy. Michael Francis Andrada

Apat na mukha ng “kababuyan” sa likod ng isang aktibistang kontra-baboy. Michael Francis Andrada

Ang "performance activist" na si Mae Paner, a.k.a. Juana Change, bilang maka-pork na mananayaw sa "Swine Lake". KR Guda

Ang “performance activist” na si Mae Paner, a.k.a. Juana Change, bilang maka-pork na mananayaw sa “Swine Lake”. KR Guda

Bishop Teodoro Bacani, na nagsalita para sa iba pang obispo at taong simbahang Katoliko na sumusuporta sa People's Initiative. KR Guda

Bishop Teodoro Bacani, na nagsalita para sa iba pang obispo at taong simbahang Katoliko na sumusuporta sa People’s Initiative. KR Guda

Jay Contreras ng popular na bandang Kamikazee. KR Guda

Jay Contreras ng popular na bandang Kamikazee. KR Guda

Si Chickoy Pura (kaliwa) at ang kanyang bandang The Jerks, kasama ang tanyag na mang-aawit mula sa Brownbeat All Stars na si Skarlet Brown. KR Guda

Si Chickoy Pura (kaliwa) at ang kanyang bandang The Jerks, kasama ang tanyag na mang-aawit mula sa Brownbeat All Stars na si Skarlet Brown. KR Guda

Progresibong mga musiko ng Musikang Bayan. KR Guda

Progresibong mga musiko ng Musikang Bayan. KR Guda

Darryl Shy. Macky Macaspac

Darryl Shy. Macky Macaspac

Mga beauty queen na lumahok sa kampanya kontra sa pork barrel. Nasa larawan si Maria Isabel Lopez at ang kanyang anak na si Mara Lopez, kasama si Azenith Briones. Macky Macaspac

Mga beauty queen na lumahok sa kampanya kontra sa pork barrel. Nasa larawan si Maria Isabel Lopez at ang kanyang anak na si Mara Lopez, kasama si Azenith Briones (nagsasalita sa mikropono). Macky Macaspac

Mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno. Macky Macaspac

Mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno. Macky Macaspac

Kuha ni Michael Francis Andrada

Kuha ni Michael Francis Andrada

Martsa ng lib-libo patungong Mendiola para ipanawagan naman ang pagbibitiw ni Pangulong Aquino. KR Guda

Martsa ng lib-libo patungong Mendiola para ipanawagan naman ang pagbibitiw ni Pangulong Aquino. KR Guda

Pagdikit ng malikhaing protest posters malapit sa Mendiola. KR Guda

Pagdikit ng malikhaing protest posters malapit sa Mendiola. KR Guda

Para sa iba pang larawan, puntahan ang aming Twitter.