After Auschwitz

August 11, 2014

“There can be no poetry after Auschwitz.”
– Theodor Adorno

*         *         *

Ang tinutukoy ni Adorno ay ang malalagim na pangyayari sa loob ng mga concentration at extermination camp sa bayan ng Auschwitz, sa katimugan ng Poland, na sinakop ng Nazi Germany noong Oktubre 1939.

*         *         *

“And death looks on with a casual eye
and picks at the dirt under his fingernail.”
After Auschwitz, Anne Sexton

*         *         *

Sa Auschwitz ikinulong ang mga bilanggong Polish. Mahigit sa isang milyong katao mula sa mga bahagi ng Europe na sinakop ng German Nazi ang isinubo sa mga gas chamber.

Pinatay sila sa pamamagitan ng pag-ii-spray ng pestisdyong Zyklon B.

Ang mga bilanggong hindi pinatay sa extermination camps ay nagsimatay sa gutom, sakit, pagod na dala ng sapilitang paggawa, at mga kakatwang eksperimento.

*         *         *

Isinulat ni Anne Sexton ang After Auschwitz sa panahon ng war of aggression ng Imperyalismong U.S. sa Vietnam.

*         *         *

Isang kakatwang pangyayari: UNESCO World Heritage Site na ngayon ang Auschwitz. Isang museo ng mga alaala ng nakaraang digma.

Isang kakila-kilabot na pangyayari.

*         *         *

Mistranslated daw ang linya ni Adorno na nabanggit sa itaas. Out of context.

Sa blog ni Brian A. Oard, dalawang salin ang kanyang sinipi.

Una, sa sanaysay na “Cultural Criticism and Society” ni Adorno na salin sa Ingles nina Samuel at Shierry Weber:

“Cultural criticism finds itself faced with the final stage of the dialectic of culture and barbarism. To write poetry after Auschwitz is barbaric. And this corrodes even the knowledge of why it has become impossible to write poetry today. Absolute reification, which presupposed intellectual progress as one of its elements, is now preparing to absorb the mind entirely. Critical intelligence cannot be equal to this challenge as long as it confines itself to self-satisfied contemplation.” (Prisms, 34)

Ayon kay Oard, ang “Auschwitz” ni Adorno ay tumutukoy sa Four Last Songs ni Richard Strauss, at hindi tumutukoy sa tula.

*         *         *

“Hindi natin kailangan ng maraming makata.”
– Mark Joseph Rafal (segun sa linya ni Axel Pinpin)

*         *         *

Ang hindi nabanggit/nilinaw ni Oard ay mga tula rin ang basehan ng opera ni Strauss: ang tulang Im Abendrot ni Joseph von Eichendorff at tatlong tula ni Hermann Hesse.

*         *         *

Sa isang banda, sinipi ni Oard “Negative Dialectics” ni Adorno mula sa salin sa Ingles ni E. B. Ashton:

“Perennial suffering has as much right to expression as a tortured man has to scream; hence it may have been wrong to say that after Auschwitz you could no longer write poems. But it is not wrong to raise the less cultural question whether after Auschwitz you can go on living–especially whether one who escaped by accident, one who by rights should have been killed, may go on living.

*         *         *

“His mere survival calls for the coldness, the basic principle of bourgeois subjectivity, without which there could have been no Auschwitz; this is the drastic guilt of him who was spared. By way of atonement he will be plagued by dreams such as that he is no longer living at all, that he was sent to the ovens in 1944 and his whole existence since has been imaginary, an emanation of the insane wish of a man killed twenty years earlier.” (Negative Dialectics, 362-363)

*         *         *

Habang isinasara ko ang kolum na ito, pumapasok sa bintana ang Sayang ni Claire dela Fuente.

*         *         *

May 300 tula mula sa 140 makata mula sa buong mundo ang nakaimprenta sa 800 pahina ng antolohiyang Against Forgetting: Twentieth Century Poetry of Witness, tinipon at ni-edit ni Carolyn Forché.

Wala ni isa mang “poet of witness” galing sa Pilipinas.

Pero ibang paksa na ito. Sa susunod, ang mga tula ni Mahmoud Darwish at ng iba pang makatang Palestino/para sa Palestina/kontra sa war of aggression ng U.S.-Israel.