VIDEO | Payatas: Patuloy na Trahedya ng Maralita

July 20, 2014

payatas guardsLabing-apat na taon makaraan ang Payatas Tragedy na kumitil sa buhay ng 300 katao, patuloy na nananawagan ang mga pamilya at maralitang residente ng Payatas ng hustisya, trabaho, at pagtigil sa demolisyon. Iginigiit nilang dapat ipasara na ang tambakan, sa halip na palayasin sila, mga residenteng binigyan ng lote doon noong dekada ’80. Sa ilalim ng gobyernong BS Aquino, napapako pa rin umano ang mga pangako ng gobyerno sa tinaguriang “Lupang Pangako.”