LIVE | #SONAngBayan: ‘Tunay na State of the Nation Address’

July 28, 2014

pnoy-sona-2014Tunghayan ang live updates ng Pinoy Weekly tungkol sa mga protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Benigno Aquino III. Magsisimula: Alas-11 ng umaga.

Inaantabayanan ng publiko kapwa ang talumpati ni Aquino at ang maiinit na protesta kontra rito matapos ang pagdeklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program,  o ang presidential pork barrel ng Malakanyang, at ang pagsampa ng tatlong impeachment complaints laban sa Pangulo. Sinabi na ng Pangulo na naghahanda siyang kontrahin ang naturang desisyon ng korte. Samantala, inihahapag ng iba’t ibang grupo sa kalsada ang maraming isyu kontra sa administrasyon: mula sa kawalan ng tunay na repormang agraryo, pagpapatupad ng neoliberal na mga polisiyang nagpapahirap sa mga mamamayan, hanggang sa kawalan ng respeto sa karapatang pantao, kawalan ng tunay na kapayapaan, at laganap pa ring korupisyon at katiwalian sa gobyerno.

Idineklara ng gobyerno ang pagtalaga ng libu-libong pulis at daan-daang sundalo sa paligid ng Batasan Pambansa. Samantala, desidido ang mga mamamayan na kasama sa protesta: Ihahapag nila ang kanilang mga hinaing, at irerehistro ang panawagang magbitiw na sa puwesto si Pangulong Aquino.

Live tweets: