Unang impeachment complaint laban kay Aquino, isinampa sa Kamara

July 22, 2014

Nagsanib puwersa ang iba't-ibang grupo na kontra sa sistemang pork barrel sa pagsampa ng impeachment compalint laban kay Pangulong Aquino, dahil sa paggamit ng DAP na idineklarang iligal ng Korte Suprema. Macky Macaspac

Nagsanib puwersa ang iba’ti bang grupo na kontra sa sistemang pork barrel sa pagsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino dahil sa paggamit ng DAP na idineklarang ilegal ng Korte Suprema. Macky Macaspac

Isinampa na sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino ng mga grupong kontra sa pork barrel. Binubuo ito ng 28 complainants, at inendorso ng tatlong kinatawan na sina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate, at Anakpawis Rep. Fernando Hicap.

Nais ng grupo na maalis sa paglilitis ng isang impeachment court si Aquino dahil sa malalang paglabag sa Saligang Batas at betrayal of public trust bunsod ng pagpapatupad nito ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kasama sa nagsampa ng impeachment complaint ang mga grupong nagpetisyon sa Korte Suprema kontra sa DAP. Kinabibilangan ito nina Renato Reyes ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Ferdinand Gaite ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), Dante Jimenez ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), at ang abogadong si Jose Malvar Villegas Jr. ng Citizens Crime Watch.

“Nais namin na may managot, kaya nagsampa kami ng impeachment complaint. Naniniwala kami na may pananagutan si Pangulong Aquino,” sabi ni Reyes.

‘Lahat managot’ — pati si Aquino

Ang mga complainant na sina Renato Reyes, Dante Jimenez, Mae Paner at Inday Varona.

Ang mga complainant na sina Renato Reyes, Dante Jimenez, Mae Paner at Inday Varona. Macky Macaspac

Sinabi pa niya na hindi nila pinapaboran ang sinumang pulitiko. “Mas malaki ang panawagan ng pagpapanagot kaysa sa “Binay bogey” na kumakalat para lamang palusutin si Pangulong Aquino, sabi pa ni Reyes.

Sabi naman ni Obispo Oscar Cruz na simbolo raw ang impeachment complaint ng  pagkakaisa ng mga mamamayan laban sa matinding korupsiyon. “Sagisag ang impeachment (complaint) na marami na ang ayaw sa panunungkulan ni Aquino,” aniya.

Para naman kay Inday Espina-Varona, isa sa mga organisador ng #ScrapPork Network, ang impeachment trial ay pagbibigay ng pagkakataon kay Aquino para sagutin niya ang mga akusasyon. “Nasa demokrasya tayo at isa ito sa legal mandate para maging accountable si Aquino,”sabi ni Varona.

Laman ng reklamo

Nakasaad sa reklamong impeachment na ginawa raw na pork barrel ni Aquino ang General Appropriations Act sa pamamagitan ng DAP. Pinalala din daw ng DAP ang korupsiyon sa sistemang pork barrel dahil sa pamimigay ng mga pondo sa mga mambabatas at mga lokal na opisyal ng gobyerno, kapalit ng suporta kay Aquino.

Sina Rafael Mariano ng KMP, Bp. Oscar Cruz at Liza Maza habang pinipirmahan ang impeachment complaint laban kay Pang. Aquino. Macky Macaspac

Sina Rafael Mariano ng KMP, Bp. Oscar Cruz at Liza Maza habang pinipirmahan ang impeachment complaint laban kay Pang. Aquino. Macky Macaspac

Kinontra din ng reklamong impeachment ang sinasabi ng administrasyong Aquino na “in good faith” ang paggamit ng DAP dahil nakatulong daw ito sa ekonomiya ng bansa. Pero sabi naman ng grupo, sa listahan ng mga proyektong pinondohan ng DAP, hindi daw ito nakatulong sa pag-angat ng ekonomiya.

Sabi pa ng mga complainant, pinalaki pa ni Aquino ang kanyang presidential pork sa pamamagitan ng pagkait sa “slow moving projects” at kinontrol ang mga naipong pondo ng iba’t ibang ahensiya na para sana sa pagpapaunlad ng mga personnel ng mga ito.

“Isinakripisyo ang mga benipisyo ng mga guro at kawani ng gobyerno para sa patabain ang presidential pork,” anila.

Sa kabila nito, muling dinepensahan ng mga tagapagsalita ng pangulo ang paggamit ng DAP. Wala raw na nilabag na batas ang Pangulo sa paggamit ng pondo na natipid ng iba’t ibang ahensiya.

Handa rin daw si Budget and Management Sec. Florencio Abad na ibigay ang detalye ng mga proyektong pinondohan ng DAP.

Panawagan ng mga complainant sa ibang mambabatas na huwag harangin ang impeachment complaint at “huwag pairalin ang number games” tulad ng ginawa ng dating administrasyong Arroyo.

Sinuportahan naman ng grupong Gabriela ang pagsampa ng impeachment complaint. Nagsagawa  ang grupo ng isang piket-rali sa harapan ng kongreso at nagtali ng lasong kulay peach sa gate nito. Macky Macaspac

Sinuportahan naman ng grupong Gabriela ang pagsampa ng impeachment complaint. Nagsagawa ang grupo ng isang piket-rali sa harapan ng kongreso at nagtali ng lasong kulay peach sa gate nito. Macky Macaspac