Video | Mga dapat mong malaman tungkol sa EDCA

May 3, 2014

edca featured1Ano ang anim na puntong dapat malaman ng mga Pilipino tungkol sa pinirmahang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Estados Unidos?

Pinirmahan ng mga opisyal ng gobyernong Aquino at US Pres. Barack Obama ang EDCA ilang oras bago dumating sa bansa si Obama para sa isang state visit noong Abril 28. Sinalubong ng protesta mula sa mga grupong makabayan ang state visit ni Obama at umano’y “patraydor” na pagpirma ni Aquino sa EDCA, na hindi dumaan sa anumang pampublikong konsultasyon o isinalang sa Kongreso.