Main Story Manggagawa Photo Gallery

#May1Fight | Laksa-laksang obrero, inirehistro ang pagtutol sa EDCA, mababang sahod

Muling pumula ang kalsada ng Kamaynilaan nitong Mayo 1, Pangdaigdigang Araw ng Paggawa. Bitbit ang pulang mga watawat, suot ang pulang mga damit, at sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU), nagmartsa ang humigit-kumulang 18,000 manggagawa, maralita, kabataan, kababaihan, migrante, progresibong mga personalidad at aktibista, at iba pa, mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola. Nagtipon din […]

Kuha ni Boy Bagwis
Kuha ni Boy Bagwis

Muling pumula ang kalsada ng Kamaynilaan nitong Mayo 1, Pangdaigdigang Araw ng Paggawa.

Bitbit ang pulang mga watawat, suot ang pulang mga damit, at sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU), nagmartsa ang humigit-kumulang 18,000 manggagawa, maralita, kabataan, kababaihan, migrante, progresibong mga personalidad at aktibista, at iba pa, mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola. Nagtipon din ang militanteng mga manggagawa a iba’t ibang bahagi ng bansa. Pati ang migranteng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

Puntirya ng protesta ng KMU ang bagong-pirmang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng gobyernong US at Pilipinas. Inilalaban din nila ang pagbasura sa taas-singil sa kuryente na pahirap umano sa mga manggagawa. Tulad ng nakaraang mga taon, iginigiit din ng mga manggagawa ang makabuluhang dagdag-sahod at pagwakas ng kontraktuwalisasyon sa paggawa.

“Makaisang-panig ang EDCA, labag sa soberanya at teritoryal na integridad ng bansa, at dagdag-pasanin para sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino,” sabi ni Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU. “Senyales ito ng reokupasyon ng US sa Pilipinas, at katambal ng iskema ni Aquino na Charter Change.”

Kinondena ng KMU ang konsistent na pagdepensa ni Aquino sa kakarampot na “wage adjustments” ng regional wage boards na malayo sa pangangailangan ng mga manggagawa sa harap ng walang-tigil na taas-singil sa presyo ng mga yutilidad (tulad ng kuryente) at mga bilihin.

“Ang malupit pa, inatake niya ang minimum wage. Una, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Two-Tiered Wage System, na nakabatay hindi sa antas ng minimum wage kundi sa tinatayang poverty threshold ng gobyerno. Pangalawa, sa pamamagitan ng pagtulak ng ‘opisyon’ para sa mga manggagawa na di-tumanggap ng minimum wage, dahil kampeon daw siya ng paglikha ng trabaho (job creation),paliwanag pa ni Labog.

Pagdating ng mga manggagawa sa paanan ng Mendiola Bridge malapit sa Malakanyang, agad na sinunog nila ang effigy ni Aquino bilang sunud-sunurang robot ng imperyalismong US na umaatake sa karapatan ng mga manggagawa, nagtutulak ng pagtindi ng presensiyang militar ng US sa bansa, at pagrepaso sa Saligang Batas para lalong makapagnegosyo ang dayuhang mga monopolyo-kapitalista.

Narito ang ilan sa mga larawan ng protesta:

KR Guda
KR Guda
Martsa galing Liwasang Bonifacio patungong Mendiola Bridge. Macky Macaspac
Martsa galing Liwasang Bonifacio patungong Mendiola Bridge. Macky Macaspac
Ilan sa mga delegado ng International Solidarity Affair ng KMU na lumahok sa martsa. Pher Pasion
Ilan sa mga delegado ng International Solidarity Affair ng KMU na lumahok sa martsa. Pher Pasion
Kuha ni KR Guda
Kuha ni KR Guda
Hila ni Uncle Sam (US) ang remote na kumokontrol sa robot na si Pangulong Aquino. Darius Galang
Hila ni Uncle Sam (US) ang remote na kumokontrol sa robot na si Pangulong Aquino. Darius Galang
Dala ng mga manggagawa ang pagtutol sa bagong-lagda na Enhanced Defense Cooperation Agreement na nagpapayag sa pag-igting ng presensiyang militar ng US sa Pilipinas. Darius Galang
Dala ng mga manggagawa ang pagtutol sa bagong-lagda na Enhanced Defense Cooperation Agreement na nagpapayag sa pag-igting ng presensiyang militar ng US sa Pilipinas. Darius Galang
Suot ng ilang aktibista ang maskara nina Benito Tiamzon at Wilma Austria, kapwa konsultant ng National Democratic Front na kasalukuyang nakapiit sa kulungan ng gobyernong Aquino. Simbolo umano ito ng pagpapatuloy ng adhikain para sa tunay na kalayaan at demokrasya na buong-buhay na ipinaglaban ng mag-asawa. Jaze Marco

Dala ng mga demonstrador ang simbolo ng karit at maso na pagkakaisa umano ng mga manggagawa at magsasaka na pinaka-pinagsasamantalahan sa lipunang Pilipino. Darius Galang
Dala ng mga demonstrador ang simbolo ng karit at maso na pagkakaisa umano ng mga manggagawa at magsasaka na pinaka-pinagsasamantalahan sa lipunang Pilipino. Darius Galang
Pamimigay ng kopya ng Pinoy Weekly Ekstra sa mga manggagawa sa isang konstrukisyon sa Recto Avenue. Macky Macaspac
Pamimigay ng kopya ng Pinoy Weekly Ekstra sa mga manggagawa sa isang konstrukisyon sa Recto Avenue. Macky Macaspac
Pangkulturang pagtatanghal ng mga manggagawa, sa programa sa Mendiola. Macky Macaspac
Pangkulturang pagtatanghal ng mga manggagawa, sa programa sa Mendiola. Macky Macaspac
KR Guda
KR Guda
Kumanta ng "Bayan Ko" si Monique Wilson sa Mendiola. Macky Macaspac
Kumanta ng “Bayan Ko” si Monique Wilson sa Mendiola. Macky Macaspac
Sinunog ng mga demonsstrador ang effigy ng "robot" na si Pangulong Aquino. Boy Bagwis
Sinunog ng mga demonsstrador ang effigy ng “robot” na si Pangulong Aquino. Boy Bagwis
KR Guda
KR Guda
Boy Bagwis
Boy Bagwis

Balikan ang Live Tweets at tweet pics ni Ilang-Ilang Quijano para sa PW noong Labor Day.

Narito ang ilang larawan ng mga protesta sa iba’t ibang probinsiya at bansa:

Pagtitipon para sa Mayo Uno sa Calamba, Laguna sa pangunguna ng Pamantik-KMU. Southern Tagalog Exposure
Pagtitipon para sa Mayo Uno sa Calamba, Laguna sa pangunguna ng Pamantik-KMU. Southern Tagalog Exposure
Mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City, noong Mayo 1: "Tunay na rehabilitasyon hindi imperyalistang okupasyon." Carl Marc Ramota
Mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City, noong Mayo 1: “Tunay na rehabilitasyon hindi imperyalistang okupasyon.” Carl Marc Ramota
Pangkulturang pagtatanghal sa protesta sa Mayo Uno sa Davao City. Kilab Multimedia
Pangkulturang pagtatanghal sa protesta sa Mayo Uno sa Davao City. Kilab Multimedia
Protesta ng mga manggagawa at iba pang sektor sa Baguio City. Kontribusyon/CHRA Karapatan
Protesta ng mga manggagawa at iba pang sektor sa Baguio City. Kontribusyon/CHRA Karapatan
Nakiisa ang mga migranteng Pinoy sa pagdiriwang at protesta sa Mayo 1 sa Hong Kong. Aaron Ceradoy / Contributed Photo
Nakiisa ang mga migranteng Pinoy sa pagdiriwang at protesta sa Mayo 1 sa Hong Kong. Aaron Ceradoy / Contributed Photo
Protesta ng mga Pilipinong migrante sa Union Square, New York, USA. Kontribusyon
Protesta ng mga Pilipinong migrante sa Union Square, New York, USA. Kontribusyon