Miyembro ng NDF, sumugod sa Camp Crame para sa pagpapalaya ng mga Tiamzon

March 28, 2014

Nagsagawa ng lightning rally ang mga miyembro ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)- Cavite sa harap mismo ng himpilan ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City kaninang umaga. Nanawagan ang mga miyembro ng NDFP na palayain sina Benito Tiamzon at Wilma Austria, mga lider-rebolusyonaryo na umano’y ilegal na inaresto noong Marso 22 at kasalukuyang nakadetine sa Camp Crame.

Isinagawa ang lightning rally isang araw bago ang ika-45 na anibersaryo ng New People’s Army. Ayon sa mga miyembro ng NDFP- Cavite, sa kabila ng pagkakaaresto sa dalawang lider ng Communist Party of the Philippines, magpapatuloy ang “digmang bayan” na umano’y tanging solusyon sa malawak na kahirapan.