Larawan | Aktres na si Cristine Reyes, umeksena sa protesta vs pork barrel

September 21, 2013

Sandaling pakikiisa ng aktres na si Cristine Reyes sa protesta kontra pork barrel nitong Biyernes, Setyembre 20. (Judy Taguiwalo)

Sandaling pakikiisa ng aktres na si Cristine Reyes sa protesta kontra pork barrel nitong Biyernes, Setyembre 20. (Judy Taguiwalo)

Tanghali sa Balara kanto C5 Road sa Quezon City ang puwesto ng mga kawani, manininda at ilang guro ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman para sa linggu-linggong protesta kontra pork barrel tuwing Biyernes. Nakiisa hindi lamang ang aktres na si Cristine Reyes, kundi pati ang tricycle drivers sa pag-iingay laban sa pork barrel.

Sa hapon, ang mga iskolar ng bayan naman sa pangunguna ng Student Regent Krista Melgarejo at mga kasapi ng STAND UP ang nag-noise barrage sa Philcoa pagkatapos magmartsa mula AS Steps.