Editor's Pick Videos

Video: Million People March laban sa pork barrel, mula Luneta hanggang Mendiola


Tinatayang daan-daang libong Pilipino ang lumahok sa Million People March laban sa pork barrel noong Agosto 26, Araw ng mga Bayani, sa Rizal Park. Naging mistulang bayani ang bawat Pilipino na nagpahayag ng pagtutol sa korupsiyon. Mula Luneta, libu-libo pa ang nagmartsa patungong Mendiola para panagutin si Pang. Benigno Aquino III sa bilyun-pisong pork barrel […]

luneta grabTinatayang daan-daang libong Pilipino ang lumahok sa Million People March laban sa pork barrel noong Agosto 26, Araw ng mga Bayani, sa Rizal Park. Naging mistulang bayani ang bawat Pilipino na nagpahayag ng pagtutol sa korupsiyon.

Mula Luneta, libu-libo pa ang nagmartsa patungong Mendiola para panagutin si Pang. Benigno Aquino III sa bilyun-pisong pork barrel scam na kinasasangkutan ng mga senador at kongresistang kanyang kaalyado. Hinamon din nila ang pangulo na i-abolish ang pork barrel, kabilang kanyang sariling pork barrel na umaabot sa P1-Trilyon.