Maralitang Lungsod

Mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center (Photo Essay)

Siksikan sa mga ward ang mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center, nang mabisita ng Pinoy Weekly. Pati ang mga hallway at corridor, mistulang ward na rin, sa dami ng mga pasyenteng nagpapagamot sa tanging ospital sa bansa na nag-iispesyalisa sa orthopedics o paggamot sa mga sakit na may kaugnayan sa buto. Hirap ang mga istap ng POC sa paglilingkod sa maraming pasyente na dumudulog sa ospital — pero sinisikap nilang matugunan ang pangangailangan nila. Silang mga maralitang pasyente at manggagawang pangkalusugan ang nangunguna ngayon sa pagtutol sa pagsasapribado sa POC

Siksikan sa mga ward ang mga pasyente ng Philippine Orthopedic Center, nang mabisita ng Pinoy Weekly. Pati ang mga hallway at corridor, mistulang ward na rin, sa dami ng mga pasyenteng nagpapagamot sa tanging ospital sa bansa na nag-iispesyalisa sa orthopedics o paggamot sa mga sakit na may kaugnayan sa buto. Hirap ang mga istap ng POC sa paglilingkod sa maraming pasyente na dumudulog sa ospital — pero sinisikap nilang matugunan ang pangangailangan ng mga ito. Silang mga maralitang pasyente at manggagawang pangkalusugan ang nangunguna ngayon sa pagtutol sa pagsasapribado sa POC.

(Basahin ang artikulo hinggil sa mga pasyente ng POC at paglaban nila sa pagsasapribado ng naturang ospital.)

Spinal ward ng mga pasyente sa Philippine Orthopedic Center. Siksikan sila, at di nahihirapang paglingkuran ng iilan lang na nars o doktor na naka-assign sa kanila. (KR Guda)
Spinal ward ng mga pasyente sa Philippine Orthopedic Center. Siksikan ang mga pasyente sa tanging ospital na nag-iispesyalisa sa orthopedics. Dahil sa dami ng mga pasyente, hirap ang mga nars o doktor na matugunan ang kanilang mga pangangailangan. (KR Guda)
Matatagpuan sa kanto ng Maria Clara at Banawe Streets sa Quezon City, ang Philippine Orthopedic Center ay itinatag noong 1945 para maglingkod sa mga biktima ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa ngayon, nasa ilalim ito ng Department of Health ng gobyerno. Pero pinaplano ng administrasyong Aquino ang pagpapasailalim nito sa Public-Private Partnership o PPP. (KR Guda)

Naghihintay sa check-up. Mahaba ang pila sa out-patient department ng POC tuwing umaga. (KR Guda)
Naghihintay sa check-up. Mahaba ang pila sa out-patient department ng POC tuwing umaga. (KR Guda)
Mario Maniego,49, taga-Nueva Ecija, paralisado siya matapos operahan 17-taon na ang nakakaraan dahil sa pagkakaipit ng ugat sa leeg. (KR Guda)
Mario Maniego,49, taga-Nueva Ecija, na paralisado matapos operahan 17-taon na ang nakakaraan dahil sa pagkakaipit ng ugat sa leeg. (KR Guda)
Susan Maniego, 48, taga-Bulacan, 17-taong nang nagbabantay sa kanyang asawa na si Mario sa POC. (KR Guda)
Si Susan Maniego, 48, taga-Bulacan, na 17-taong nang nagbabantay sa kanyang asawa na si Mario sa POC. (KR Guda)
Kamay ni Mario Maniego, na 17 taon nang di nagagamit. (KR Guda)
Kamay ni Mario Maniego, na 17 taon nang di nagagamit. (KR Guda)
Sa loob at labas ng ward. Sa dami ng pasyente maging sa corridor nakapuwesto ang mga pasyente. (KR Guda)
Sa loob at labas ng ward. Sa dami ng pasyente maging sa corridor nakapuwesto ang mga pasyente. (KR Guda)

Rubina Padasas, 42, taga-Marikina, habang sinusuri ng isang nars. Magdadalawang buwan na siya sa POC at walang mautangan para panggastos sa ospital. (KR Guda)

Babad sa trabaho ang mga kawaning pangkalusugan ng POC. Nangangamba silang matanggal sa trabaho o mabawasan ng benepisyo kung matutuloy ang pagsasapribado sa POC. (KR Guda)
Babad sa trabaho ang mga kawaning pangkalusugan ng POC. Nangangamba silang matanggal sa trabaho o mabawasan ng benepisyo kung matutuloy ang pagsasapribado sa POC. (KR Guda)
Female ward. Gumagamit pa rin ang POC ng tractions, isang luma at di-na-madalas na ginagamit na teknik sa pagtuwid at paggamot ng mga bali sa buto. (KR Guda)
Female ward. Gumagamit pa rin ang POC ng tractions, isang luma at di-na-madalas na ginagamit na teknik sa pagtuwid at paggamot ng mga bali sa buto. (KR Guda)
Kailangang pagtiisan ng isang pasyente ang kalagayan niya sa ospital. (KR Guda)
Kailangang pagtiisan ng isang pasyente ang kalagayan niya sa ospital. (KR Guda)
Josephine Mendoza, 53, taga-Makati kasama ang kanyang apo na si Chrisvel Mendoza, 12, dahil sa naganap na aksidente sa eskuwelahan. (KR Guda)
Josephine Mendoza, 53, taga-Makati, kasama ang kanyang apo na si Chrisvel Mendoza, 12, na nagpagamot sa Orthopedic dahil sa aksidente sa eskuwelahan. (KR Guda)
Dahil nag-iisa ang POC sa buong Pilipinas, Sa POC pa rin nagpagamot ang aktor na si Julio Diaz dahil sa aksidente sa shooting ng isang indie film. (KR Guda)
Dahil nag-iisa ang POC sa buong Pilipinas, Sa POC pa rin nagpagamot ang aktor na si Julio Diaz dahil sa aksidente sa shooting ng isang indie film. (KR Guda)
Puno ang female ward nang puntahan ng Pinoy Weekly. Magkadikit-dikit din ang mga higaan ng mga pasyente. (KR Guda)
Puno ang female ward. Magkadikit-dikit din ang mga higaan ng mga pasyente. (KR Guda)
Walang kasiguraduhan ang trabaho ng mga manggagawang pangkalusugan ng POC kung maisapribado ang ospital. (KR Guda)
Walang kasiguraduhan ang trabaho ng mga manggagawang pangkalusugan ng POC kung maisapribado ang ospital. (KR Guda)
Si Keisha Orayan, 21, taga-Mandaluyong City. Dalawang buwan na sa POC dahil sa iniinda sa leeg at saksi sa paghihirap ng mga kapwa nya pasyente sa kanilang kalagayan. (KR Guda)
Si Keisha Orayan, 21, taga-Mandaluyong City. Dalawang buwan na siya sa POC dahil sa iniinda sa leeg at saksi sa paghihirap ng mga kapwa nya pasyente sa kanilang kalagayan. (KR Guda)
Nagkalat sa loob ng Orthopedic ang mga sticker na nananawagan ng pagtigil sa pagsasapribado ng naturang ospital. (KR Guda)
Nagkalat sa loob ng Orthopedic ang mga sticker na nananawagan ng pagtigil sa pagsasapribado ng naturang ospital. (KR Guda)