Manggagawa

TRO vs welga ng obrero sa Co Ban Kiat, kinondena ng KMU

Kinondena ng Kilusang Mayo Uno ( KMU) ang Temporary Restraining Order na ipinalabas ni Judge Rolando G. How ng Parañaque Regional Trial Court Branch 257 kontra sa welga ng mga manggagawa ng Co Ban Kiat Hardware, Inc. Ayon sa korte, nakakaapekto ang welga sa tatlong iba pang negosyo sa compound kung nasaan ang hardware. Ngunit […]

Sinugod ng mga elemento ng PNP-Paranaque ang nagwewelgang mga manggagawa ng Co Ban Kiat Hardware matapos maglabas ng temporary restraining order ang korte kontra sa naturang welga. Di makatarungan ang paghadlang ng korte sa karapatang magwelga ng mga manggagawa, ayon sa KMU. (Kontribusyon)

Kinondena ng Kilusang Mayo Uno ( KMU) ang Temporary Restraining Order na ipinalabas ni Judge Rolando G. How ng Parañaque Regional Trial Court Branch 257 kontra sa welga ng mga manggagawa ng Co Ban Kiat Hardware, Inc.

Ayon sa korte, nakakaapekto ang welga sa tatlong iba pang negosyo sa compound kung nasaan ang hardware. Ngunit ayon sa KMU, hindi makatarungang makialam sa isang labor dipute ang korte.

Resulta umano ng TRO ang pagdeploy ng mahigit 70 elemento ng Philippine National Police at Special Weapons and Tactics (SWAT) gayundin ang isang trak ng bumbero.

“Dahil sa kautusan ng korte na magkaroon ng ingress at egress ang kapaligiran ng kompanya, direktang pinahina ng TRO ang lehitimong welga ng mga manggagawa. Paglabag ito sa karapatan ng mga manggagawa na magwelga at panghihimasok sa isang labor dispute,” pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Sinabi pa ng KMU na mas pinanigan ng RTC ang mga dahilan ng manedsment upang mapahina ang welga ng mga manggagawa. “Lisensiya rin ito para sa marahas na pagsupil sa mga manggagawang pinagkaitan ng kanilang mga karapatan,” ani Labog.

Sinabi rin ng grupo na matapos umanong itaboy ang mga manggagawa sa tarangkahan ng kompanya, agarang nagsilabasan ang mga trak ng Co Ban Kiat Hardware na minamanduhan ng mga eskirol.

“Maaaring itago ng RTC ang pakikialam nito sa isang labor dispute, pero hindi nito maitatago ang malinaw na epekto ng kanilang desisyon,” sabi pa ni Labog.

Nagwelga ang mga manggagawa noong Mayo 23 matapos na di-tumupad ang manedsment sa kasunduan nito sa naunang welga noong Mayo 10.

Panawagan ng mga manggagawa sa unang welga na maibalik ang tinanggal na mahigit 100 manggagawang kontraktuwal at gawing regular ang mga ito. Hangad din nila ang pagkilala sa bagong tayong unyon nila.

Ngunit sa halip na ipatupad ang kasunduan, tinanggal umano ang 14 na manggagawa na ang dahilan ay ang terminasyon ng kontrata ng ahensiyang kinapapalooban ng mga manggagawa.

“Sa halip na tugunan ang karaingan ng mga manggagawa, ginagamit ni Johnny Cobankiat ang korte upang kasuhan ang mga manggagawang matagal na niyang pinagsamantalahan. Nangingilabot ang mga manggagawa sa pagpapagamit ng korte bilang kasabwat ni Cobankiat sa pagyurak sa kanilang mga karapatan,” dagdag pa ni Labog.