Manggagawa

‘Senado, kumilos na sa panukalang dagdag-sahod’

Hinikayat ng grupo ng mga manggagawa at mamamayan ang Senado na harapin ang panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod at iba pang usaping “may kabuluhan sa mga mamamayan” ngayong tapos na ang paglilitis kay Chief Justice Renato Corona. Ayon sa Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM), sa loob kasi ng apat na buwan, tila tanging impeachment […]

Piket ng mga manggagawa at mula sa iba pang sektor sa pangunguna ng Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan o KPMM sa Senado noong Hunyo 5. (Kontribusyon)

Hinikayat ng grupo ng mga manggagawa at mamamayan ang Senado na harapin ang panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod at iba pang usaping “may kabuluhan sa mga mamamayan” ngayong tapos na ang paglilitis kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM), sa loob kasi ng apat na buwan, tila tanging impeachment trial lang ang inasikaso ng Senado at naisantabi ang mahahalagang usapin at panukala tulad ng panukalang batas sa dagdag-sahod.

 “Dapat ng simulan nang pag-usapan ng mga mambabatas ang pagpasa sa panukalang  P125 across-the-board wage hike para sa mga manggagawa sa pribadong sektor at P6,000 naman para sa mga kawani ng gobyerno,” pahayag ni Ferdinand Gaite, co-convenor ng KPMM, sa piket sa harapan ng Senado.

Dahil sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, matagal na nabalam ang pagsalang sa Senado ng panukalang batas para sa dagdag-sahod sa mga manggagawa, ayon pa sa KPMM. (Kontribusyon)
Dahil sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, matagal na nabalam ang pagsalang sa Senado ng panukalang batas para sa dagdag-sahod sa mga manggagawa, ayon pa sa KPMM. (Kontribusyon)

Ayon pa kay Gaite, tila ginamit umano ng administaryong Aquino ang impeachment trial ni Corona para mapagtakpan ang kakulangan ng gobyerno na harapin ang mas mahahalagang usapin para sa mga mamamayan, tulad ng tumitinding  kagutuman at kahirapan.

“Sa halip na tugunan ang malawak na kahilingan, tahasang tinutulan ni Aquino ang panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod na maaaring magsilbing kagyat na ginhawa mula sa kagutuman at kahirapang nararanasan ng mamamayan,” sabi ni Gaite.

Ipinanawagan din ng KPMM sa mga manggagawa at iba pang sektor na itulak ang Senado at administrasyong Aquino na harapin ang panawagang dagdag-sahod at kontrahin ang mga diumano’y anti-mamamayang mga patakaran ng administrasyong Aquino.