Larawan: Rebolusyonaryong kababaihan ng Makibaka, nagrali sa Divisoria

March 17, 2012

Nagsagawa ng lightning rally sa Divisoria, Maynila noong Marso 16 ang kababaihang kasapi ng Makibaka (Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan), grupo ng National Democratic Front of the Philippines. Kinondena nila ang pagiging "tuta" ni Pangulong Aquino sa imperyalistang Estados Unidos na umano'y nagdudulot ng iba't ibang pahirap sa mga mamamayan. Sa nalalapit na anibersaryo ng New People's Army, nanawagan ang Makibaka sa kababaihan na lumahok sa digmang bayan. (Contributed Photo)