Larawan: Kabataang Makabayan, muling nanawagan sa kabataan na lumahok sa rebolusyon
Maliban sa pagiging kaarawan ni Andres Bonifacio, makasaysayan din ang Nob. 30 dahil sa araw na ito, noong 1964, itinatag ang Kabataang Makabayan (KM), isang komprehensibong organisasyon ng mga kabataan na nagsusulong ng “pambansa demokratikong rebolusyon” sa Pilipinas. Pinangunahan ang KM ni Jose Maria Sison at iba pang kabataang aktibista noong maagang bahagi ng dekada […]
Maliban sa pagiging kaarawan ni Andres Bonifacio, makasaysayan din ang Nob. 30 dahil sa araw na ito, noong 1964, itinatag ang Kabataang Makabayan (KM), isang komprehensibong organisasyon ng mga kabataan na nagsusulong ng “pambansa demokratikong rebolusyon” sa Pilipinas.
Pinangunahan ang KM ni Jose Maria Sison at iba pang kabataang aktibista noong maagang bahagi ng dekada ’60, at agad na lumawak ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ilan sa mga namumunong aktibista ng KM ang naging tagapagtatag na kasapi ng Communist Party of the Philippines noong Disyembre 26, 1968 at New People’s Army noong Marso 29, 1969 — ang dalawang organisasyong nagsulong ng armadong rebolusyon sa bansa para “pabagsakin ang naghaharing sistema” sa isang “malakolonyal at malapiyudal” na lipunang Pilipino.
Narito ang mga larawan ng isang protestang-iglap (lightning rally) sa isang lugar sa Maynila noong Disyembre 1, isang araw matapos ang ika-47 taong anibersaryo ng KM.