Larawan: Pagtitipon para sa desaparecidos, isinagawa ng mga kaanak noong Undas

November 3, 2011

Panawagan pa rin ng mga kaanak ang hustisya. (Macky Macaspac)

Panawagan pa rin ng mga kaanak ang hustisya. Tumungo sila sa Baclaran Church sa Maynila para tirikan ng kandila at pag-alayan ng mga bulaklak ang Desaparecidos, iyung mga biktima ng sapilitang pagkawala, noong Nobyembre 2. (Macky Macaspac)

Kahit walang puntod na pagtitirikan ng kandila at pag-aalayan ng mga bulaklak, ginunita ng mga kaanak ng desaparecidos ang araw ng undas. Kalakhan sa mga kamag-anak ang umaasang buhay pa ang kanilang mga mahal sa buhay, ilan lamang sa kanila ang tinanggap na wala na ang kanilang kaanak, tulad ni Shirley Pascual asawa ni Roberto Pascual na dinukot noong Abril 7, 1988.  "Sampung taon bago ko matanggap na wala na siya," ani Shirley.  Nasa larawan ang ilan sa mga mukha ng mga biktima ng pagdukot, pinalitan ang kanilang mata ng salamin upang ipakita na kahit sino ay maaaring maging biktima ng sapilitang pagkawala.  (Macky Macaspac)

Bukod sa mga nawawala sa panahon ng batas militar at sa mga sumunod pa na administrasyon, nakapagtala ang grupong Karapatan ng walong (8) pagdukot sa panahon ni Pang. Benigno Aquino III, mula Hunyo 2010 hanggang Hulyo 2011. Samantala, umabot sa 1,206 ang biktima ng sapilitang pagkawala sa panunugkulan ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo. Isa na rito si Jonas Burgos, aktibista at anak ng yumaong tanyag na mamamahayag na si Joe Burgos. (Macky Macaspac)

Bakas ng alaala. Simbolikong inilatag ng mga kaanak ang mga tsinelas ng bawat isang biktima ng sapilitang pagkawala.  (Macky Macaspac)

BAKAS NG ALAALA. Simbolikong inilatag ng mga kaanak ang mga tsinelas ng bawat isang biktima ng sapilitang pagkawala. (Macky Macaspac)