Bukas na Liham

‘Di dapat mabilib sa plano ni PNoy sa climate change

Tugon namin ito sa kaaapruba pa lamang na National Climate Change Action Plan (NCCAP) kung saan pinangalanang pinakaberdeng pangulo (“greenest president”) ng Pilipinas si Pang. Noynoy Aquino. Kalokohang gawaran ng ganitong titulo si Aquino sa pagpasa niya ng NCCAP, dahil kosmetiko lamang ito at walang resolusyon sa mga isyu sa polisiya sa Republic Act 9729 o Climate Change Act of 2009.

Malawakang pagtotroso: laganap pa rin, sa kabila ng pag-upo ni Aquino. Kuha sa Surigao del Sur noong 2009. (KR Guda/PW File Photo)

Sa bisa ng RA 9729, halimbawa, nakapailalim pa rin ang NCCAP sa “business-as-usual” na neo-liberal framework na naglagay ng mga mekanismong marked-based na nagpapalala sa pagkasira at pag-ubos sa mga likas na rekurso ng bansa. Tahimik din ito sa pananagutan ng nangungunang GHG emissions contributions sa kasaysayan tulad ng United States, ang pinakamaking balakid sa pagbabawas ng pandaigdigang emissions. Ipapatupad din sa NCCAP ni Aquino ang climate financing pero hindi nito iginigiit ang walang-kondisyong pagbayad ng US sa mga kontribusyong GHG ng US sa kasaysayan, dahil responsable ang mga kompanya ng mina at troso ng US sa malawakang pagkasira ng ating mga kagubatan sa kasaysayan.

Binibigyan-diin din natin na maraming polisiyang kontra-mamamayan at kontra-kalikasan tulad ng Mining Act of 1995, Fisheries Code of 1998 at ang Forestry Code of 1975 na direktang salungat sa prayoridad ng NCCAP na istabilidad sa kalikasan at pantaong seguridad. Kung isasama pa ang mga polisiyang pangkalikasan ni Aquino tulad ng di-pagsama ng mga kompanya ng mina sa total log ban ng Executive Order 23, masasabing umatras pa tayo sa pagtugon sa bulnerabilidad ng bansa sa climate change.

Malayo ang katotohanan sa sinasabi ng gobyerno na malapit na tayo sa climate adaptation, kung isasaalang-alang ang nagkakahalagang halos P15-Bilyon ng pagkasira sa agrikultura at imprastraktura matapos manalasa kamakailan ang Bagyong Pedring at Quiel. Kailangang bigyan-din din na maiuugat sa pagpaprayoritisa ng gobyerno sa corporate sa halip na pampublikong interes ang maraming sakuna, mula sa pagsasapribado ng dam, pisikal na bulnerabilidad hanggang sa malawakang kahirapan. Kailangang resolbahan muna natin ang kawalan ng bulugod sa polisiya ng gobyerno at pangangayupapa sa interes ng mga korporasyon bago tayo mabilib sa mga retorika ni Aquino.

Clemente Bautista
National Coordinator
Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan-PNE)
No.26 Matulungin St. Bgy. Central, Diliman, Quezon City, Philippines 1100

(Salin mula sa wikang Ingles.)