Larawan: ‘Magnificent 12′ vs US Bases muling nagtipon, pinarangalan

September 18, 2011

Nagtipon sa pambihirang pagkakataon ang ilan sa 12 senador na bumoto para ibasura ang pananatili ng baseng militar ng US sa bansa noong taong 1991. Sa kabila ng presyur ng gobyernong US at Cory Aquino, bumoto ang Senado, 12-11, para ibasura ang ekstensiyon ng baseng militar ng US sa Clark, Pampanga at Subic, Zambales -- isang pambihirang pagkakataon na pagpapapmalas ng makabayang paninindigan ng Senado. (Boy Bagwis)

Nagtipon sa pambihirang pagkakataon ang ilan sa 12 senador na bumoto para ibasura ang pananatili ng baseng militar ng US sa bansa noong taong 1991. Sa kabila ng presyur ng gobyernong US at Cory Aquino, bumoto ang Senado, 12-11, para ibasura ang ekstensiyon ng baseng militar ng US sa Clark, Pampanga at Subic, Zambales -- isang pambihirang pagkakataon na pagpapapmalas ng makabayang paninindigan ng Senado. Ginanap ang pagtitipon sa Club Filipino, San Juan noong Setyembre 16, ika-20 anibersaryo ng makasaysayang pagboto sa Senado. Kabilang sa mga sumama sa pagtitipon ay sina dating senador Wigberto Tanada, Sen. Juan Ponce Enrile, mga dating senador Victor Ziga, Teofisto Guingona, Rene Saguisag, Ernesto Maceda, Orlando Mercado at Agapito Aquino III. (Boy Bagwis)

Ang ilan sa "Magnificent 12," kabilang si dating Senador at Pangulo Joseph Estrada. Maliban sa mga nabanggit, kasama rin sa 12 sina Sotero Laurel, Aquilino Pimentel Jr., at noo'y Senate President Jovito Salonga Jr. (Boy Bagwis)

Nanumpa ang mga senador na bahagi ng Magnificent 12 na patuloy na itataguyod ang diwa ng makasaysayang makabayang pagtindig nila kontra sa makapangyarihang bansang US. Maliban sa Magnificent 12, pinarangalan din ang iba't ibang organisasyon at indibidwal na nanguna at lumahok sa paglaban sa baseng militar ng US sa bansa. (Boy Bagwis)