Larawan: Bahay ni Ka Bel sa maralitang komunidad sa QC, marahas na dinemolis

Tiningnan ni Rosario “Osang” Beltran, biyuda ng yumaong dakilang lider-obrero at kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list na si Crispin “Ka Bel” Beltran, ang bahay nila ni Ka Bel sa Commonwealth Avenue na sinira ng demolition team para diumano’y bigyang daan ang isang “National Government Center Eastside Development Project” ni Pangulong Benigno Aquino III. (Roi Azure/Kontribusyon)

Tiningnan ni Rosario "Osang" Beltran, biyuda ng yumaong dakilang lider-obrero at kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list na si Crispin "Ka Bel" Beltran, ang bahay nila ni Ka Bel sa Commonwealth Avenue na sinira ng demolition team para diumano'y bigyang daan ang isang "National Government Center Eastside Development Project" ni Pangulong Benigno Aquino III. (Roi Azure/Kontribusyon)
Tiningnan ni Rosario "Osang" Beltran, biyuda ng yumaong dakilang lider-obrero at dating kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list na si Crispin "Ka Bel" Beltran, ang bahay nila ni Ka Bel sa Commonwealth Avenue na sinira ng demolition team para diumano'y bigyang daan ang isang "National Government Center Eastside Development Project" ni Pangulong Benigno Aquino III. (Roi Azure/Kontribusyon)
Kabilang ang bahay ni Ka Bel sa daan-daang kabahayan sa Commonwealth Avenue na itinarget na idemolis ng gobyerno. Ayon sa Kilusang Mayo Uno, sentro ng militanteng unyonismo na dating pinamunuan ni Ka Bel, ipinamamalas ng pagdemolis sa bahay ng yumaong lider-obrero ang kalagayan ng milyun-milyong maralitang lungsod na marahas na iwinawalis ng gobyerno para bigyang daan ang mga proyektong anila'y pakikinabangan lamang ng iilang mayayaman. Dati na rin palang itinanggi ng Malakanyang na maaapektuhan ang bahay ng tanyag na lider-obrero sa kanilang mga plano sa Commonwealth Avenue. (Roi Azure/Kontribusyon)