Dalawang tula


Dalawang tula nina Raymund Villanueva at Kislap Alitaptap.

Panalangin sa isang linggo ng umaga
ni Raymund B Villanueva*

Aba Ginoong Maria, punumpuno na sila ng grasiya,
Ang pinanginoong pera ay sumakanila.
Bukod silang pinagpala sa kapariang lahat
At pinagpala rin naman ang kanilang mga bulsa.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo silang mayayaman
Ngayon at hanggang sila’y mamamatay.

*Si Raymund Villanueva ay isang dokumentarista at direktor para sa Radyo ng Kodao Productions.