SONA ni PNoy, sasabayan din ng protesta sa Mindanao

Cotabato City- -Handang-handa na ang mga militanteng grupo sa lungsod ng Cotabato sa pagsalubong ng protesta sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng ika-15 pangulo ng Pilipinas na si Benigno Simeon Aquino III sa Hulyo 25.

Paghahanda ng mga miyembro ng militanteng mga grupo sa Cotabato, para sa SONA ng Bayan sa lugar. (Kontribusyon)

Magmamartsa mula hi-way hanggang plaza ang mga militanteng grupo sa pangunguna ng Suara Bangsamoro, Kawagib at Liga ng Kabataang Moro. Gagawin naman ang SONA ng Mamamayan sa City Plaza kung saan ihahayag ng multi-sectoral na mga grupo ang tunay na kalagayan ng mga mamamayan sa Mindanao.

Sinabi ng mga grupo na sa isang taon ng panunungkulan ni Aquino ay halos wala ring pinagbago ang kalagayan ng mamamayan. Anila, patuloy pa rin ang kahirapan, kawalan ng trabaho, mababang sahod, mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng tunay na reporma sa lupa, komersalisadong edukasyon at paglabag sa karapatang pantao.

Maging ang usaping pangkapayapaan ay hindi rin umuusad dahil sa “kawalan ng sinseridad ng administrasyon ni Aquino” na palayain ang mga Moro political detainees at pagpapakita ng confidence building measures. Nanatiling sunud-sunuran din si Aquino sa “interes ng dayuhan lalo na ang imperyalistang US.”

“Bigo rin ang administrasyong Aquino na bigyan ng hustisya ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at papanagutin ang mga nagkasala tulad ni Gloria Macapagal Arroyo na ni isang kaso ay wala pa ring naisampa laban sa kanya. Hanggang propaganda at pagsisiwalat ng anomalya lamang ang administrasyong Aquino ngunit wala rin namang pinatutunguhan ang mga imbestigasyon dahil hindi naman sinasampahan ng kaso ang mga nagkasala,” ani Bai Ali Indayla ng Kawagib, grupong pangkarapatang pantao sa Mindanao.

Pangungunahan ng iba’t ibang tsapter ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa buong bansa ang protesta at panawagan ng tunay na pagbabago at pag-unlad para sa mga mamamayan.

Nakakuha na rin ng permit ang mga militanteng grupo para sa gagawing aktibidad sa lungsod at tuluy-na tuloy na ang Sona ng Mamamayan sa lungsod sa darating na Hulyo 25.