Analysis Istorya ng Linggo

SONA ni PNoy: Pagbabago para kanino?


Mahigit isang taon na sa pagkapangulo si Benigno “Noynoy” Aquino III. Pangalawang State of the Nation Address na rin niya sa Lunes, Hulyo 25. Kumusta na ang mga isyu ng mga mamamayang dapat niyang tinutugunan?

Maraming ipinangako si Benigno “Noynoy” Aquino III noong tumatakbo pa lamang siya. Pero sa lahat ng ipinangako niya, tila pinakatumimo sa madla ang pangako niya ng pagbabago – mula sa nakaraang rehimeng Arroyo. Ngunit mahihinuha sa pagsusuri at pag-uukilkil ng Pinoy Weekly sa lagay ng mahahalagang isyu ng mga mamamayan na may nagbago nga, pero sumahol naman ang sitwasyon ng mga mamamayan. Mula sa serbsiyong panlipunan, hanggang karapatang pantao, hanggang demolisyon at pagsasapribado ng mga ahensiya ng gobyerno, ipinakita ni Aquino na hindi siya inutil: Naging mahusay ang pagtugon niya sa pangangailangan ng malalaking dayuhan at lokal na mga negosyante, sa hiling ng militar na paigtingin ang madugong giyera kontra insurhensiya,  at panatilihin ang monopolyo ng iilang panginoon sa malawakang lupaing agrikultural sa bansa. Siyempre, hindi ito ang interes ng sambayanan. Hindi ito ang interes ng Pinoy. Ito ang interes ng mga katulad lamang ni PNoy.

Basahin ang mga artikulong sumusuri sa iba’t ibang isyu ng mga mamamayan at ang naging tindig ni Aquino hinggil dito:

Serbisyong ninenegosyo

By Kenneth Roland A. Guda ? July 23, 2011

Kunyari pagsugpo sa korupsiyon, yunpala pagtupad sa utos ng World Bank at US, ang pakay ni PNoy sa pagsasapribado sa mga ahensiyang dapat naglilingkod sa bayan.

Demolisyon sa lupaing para sa negosyo

By Ilang-Ilang D. Quijano ? July 23, 2011

Malls, parke, negosyo, sa halip na bahay para sa mahihirap: iyan ang prayoridad ni PNoy, kung kaya panay walis siya sa mga komunidad ng mga maralita.

Debateng RH: Sa likod ng postura ni PNoy

By Ilang-Ilang D. Quijano ? July 23, 2011

Gusto ni Aquino ang RH Bill dahil paniwala siyang dulot ng paglobo ng populasyon ang kahirapan, hindi para bigyang-akses sa serbisyong pangkalusugan ang mga maralitang kababaihan.

Tunay na kapayapaang hangad ng karamihan

By Kenneth Roland A. Guda ? July 23, 2011

Hindi kapayapaan ng sementeryo, kundi kapayapaang nakamit dahil may panlipunang hustisya — iyan ang dapat na pakay sa usapang pangkapayapaan.

Atake sa pondo sa serbisyo

By Darius Galang ? July 23, 2011

Habang papalaki ang inilalaan sa pambayad-utang at militar, papaliit naman ang pondong para sa serbisyong panlipunan. Ito ang dikta ng IMF-WB na sinusunod ni PNoy.

Para sa iba pang artikulo hinggil sa State of the Nation Address ni PNoy, sundan lamang ang tag na “SONA 2011” .

* * *
Ang artwork sa index page ay mula sa detalye ng artwork ni Christopher Zamora, pinamagatang “Scrutiny.” Manipulasyon ng kulay ni Tom Estrera III.