Jailhouse Blog

Unang Sundang: HULING KAINGIN


Dati’y leeg, naging noo, ngayo’y puyo na ng bundok ang ating kinakaingin— ang ating huling kaingin. Naririnig na ba ninyo, kaluskos ng mga hayok na nais kitang tugisin, sa tangis mandi’y lusawin? Sibakin, baklasin natin, mga tulay sa ‘sang iglap. Tiyaking ang gagatungin, walang asô kung dumiklap. Mga aso ay turuang tahimik na umalulong. Sa […]

Dati’y leeg, naging noo, ngayo’y puyo na ng bundok

ang ating kinakaingin— ang ating huling kaingin.

Naririnig na ba ninyo, kaluskos ng mga hayok

na nais kitang tugisin, sa tangis mandi’y lusawin?

Sibakin, baklasin natin, mga tulay sa ‘sang iglap.

Tiyaking ang gagatungin, walang asô kung dumiklap.

Mga aso ay turuang tahimik na umalulong.

Sa landas nama’y tabunan ang latag nating patibong.

Sadyang hangal maggumiit na dun sa ulap tumawid

kung mabunyag itong muog at bitag nati’y malansag.

Tumangan tayong mahigpit sa sundang nating matuwid

kahit lambong pa nga’t hamog ang tangi nating kalasag.