Pasko Paksiw

December 27, 2010

Pasko Paksiw Pasko Paksiw Pasko Paksiw…
Sa susunod na lang ang spaghetti at manok.

Simot na’ng bonus, kakabale ni itay.
Nagkatrangkaso na kakalaba si inay.

Pasko Paksiw Pasko Paksiw Pasko Paksiw…
Nagkandaduling kakatitig sa Christmas lights.

Ilatag na ang karton at mahiga sa bangketa,
Baka pa managinip ng bagong baro at sapatos.

Pasko Paksiw Pasko Paksiw Pasko Paksiw…
Paksiw na ayungin ang handa sa noche buena.

Bukas, kaarawan ng matanda, matabang mama.
Bubusugin tayo ng kanyang rebolusyon.