Mga larawan: Protesta laban sa batas militar, sinimulan


 

Agad nagtipun-tipon ang mga grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Boy Scouts Circle, Quezon City noong Dis. 5, araw ng pagdedeklara ni Pangulong Arroyo ng batas militar sa Maguindanao. Iginiit ng grupo ang kagyat na pag-atras ng batas militar. (Angelica Carballo)
Agad nagtipun-tipon ang mga grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Boy Scouts Circle, Quezon City noong Dis. 5, araw ng pagdedeklara ni Pangulong Arroyo ng batas militar sa Maguindanao, Sultan Kudarat, at Cotabato City. Iginiit ng grupo ang kagyat na pag-atras ng batas militar. (Angelica Carballo)
Ayon sa Bayan, "nakakatakot" at "kuwestiyunable" ang pagdeklara ng batas militar. Ito ang unang beses na sinuspinde ang writ of habeas corpus saanman sa bansa simula noong 1972. (Angelica Carballo)
Ayon sa Bayan, "nakakatakot" at "kuwestiyunable" ang pagdeklara ng batas militar. Ito ang unang beses na sinuspinde ang writ of habeas corpus saanman sa bansa simula noong 1972. (Angelica Carballo)
Dagdag pa ng Bayan, hindi masosolusyunan ng batas militar ang problema ng warlordism at karahasan sa Maguindanao, kung saan 57 katao ang minasaker noong Nob. 23, bagkus ay lalo pang magdudulot ng mga paglabag sa karapatang pantao kung isasaalang-alang ang masamang rekord ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. (Yasmine Bisoy)
Dagdag pa ng Bayan, hindi masosolusyunan ng batas militar ang problema ng warlordism at karahasan sa Maguindanao, kung saan 57 katao ang minasaker noong Nob. 23, bagkus ay lalo pang magdudulot ng mga paglabag sa karapatang pantao kung isasaalang-alang ang masamang rekord ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. (Hiyasmin Bisoy)
Para umano masiguro ang hustisya para sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan, kailangang itaguyod at palakasin ng gobyerno ang sibilyang awtoridad sa hudikatura at mga administratibong institusyon sa Maguindanao, sa halip na isailalim ang mga ito sa kontrol ng militar. (Yasmine Bisoy)
Para umano masiguro ang hustisya para sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan, kailangang itaguyod at palakasin ng gobyerno ang sibilyang awtoridad sa hudikatura at mga administratibong institusyon sa Maguindanao, sa halip na isailalim ang mga ito sa kontrol ng militar. (Hiyasmin Bisoy)
Dapat din umano panagutin si Arroyo at ang AFP para sa kanilang papel sa pag-aarmas sa mga Ampatuan, pangunahing suspek sa masaker. Kamakailan, isang arsenal ng mga armas ng AFP ang natagpuan malapit sa mansiyon ng mga Ampatuan. (Yasmine Bisoy)
Dapat din umano panagutin si Arroyo at ang AFP para sa kanilang papel sa pag-aarmas sa mga Ampatuan, pangunahing suspek sa masaker. Kamakailan, isang arsenal ng mga armas ng AFP ang natagpuan malapit sa mansiyon ng mga Ampatuan. (Jonnabelle Vidal Asis)

 

Samantala, bandang alas-siyete ng gabi, nagsagawa ng noise barrage ang grupong Kilusang Mayo Uno sa Quezon Ave. cor EDSA, para hilingin din ang pag-atras sa batas militar sa Maguindanao. (Darius Galang)
Samantala, bandang alas-siyete ng gabi, nagsagawa ng noise barrage ang grupong Kilusang Mayo Uno sa Quezon Ave. cor EDSA, para hilingin din ang pag-atras sa batas militar sa Maguindanao. (Darius Galang)