Sports

Bilis ang susi sa ikatatagumpay ni Pacquiao kay Miguel Cotto


Ilang buwan bago ang itinayang paghaharap ni Manny Pacquiao at ni Miguel Cotto ng Puerto Rico, naghahanda na ng plano si Freddie Roach sa paguumpisa ng pagsasanay ng kanilang kampo ng Pambasang Kamao. Balak ng three-time Trainer of the Year na bumisita sa bansa sa susunod na buwan upang masigurong nasa tamang landas ang kanyang […]

Ilang buwan bago ang itinayang paghaharap ni Manny Pacquiao at ni Miguel Cotto ng Puerto Rico, naghahanda na ng plano si Freddie Roach sa paguumpisa ng pagsasanay ng kanilang kampo ng Pambasang Kamao.

Balak ng three-time Trainer of the Year na bumisita sa bansa sa susunod na buwan upang masigurong nasa tamang landas ang kanyang alaga bago ito sumabak sa mas matinding pagsasanay sa US.  Matapos kasing lampasuhin ni Pacman si Ricky Hatton noong Mayo ay kabi-kabilang personal a imbitasyon at paggawa ng mga patalastas ang inatupag ng Pinoy na boksingero.

Gusto ni Roach na sumailalim sa walo hanggang sampung linggong pagsasanay si Pacquiao. Tinataya niya na ang unang araw ng kanilang pagsasanay ay sa ikalawang linggo ng Setyembre, matapos ang press tour para sa promosyon ng laban na magdadala sa mga boksingero sa New York hanggang sa Puerto Rico.

Sa tantiya ni Roach, bilis at liksi ang magiging instrumento sa pagwawagi ni Pacman kay Cotto.

“For this fight, speed is going to be important,” saad ni Roach sa isang pahayagan. “I think if you get Cotto in a fast-paced fight, he’ll tire. So we want to come out quick and set a fast pace. Speed is our biggest asset.”

Mas malaki at natural sa timbang na welterweight ang Puerto Rican, ang kasalukuyang kampeon ng World Boxing Organization sa dibisyon. Ngunit ayon kay Roach, “Manny’s the better boxer, and Manny’s defense is the best it’s been. I think Pacquiao will stop him along the way.”

Napaulat na na hindi nakataya ang titulo sa gaganaping laban, na ang catch-weight ay 145 lbs. Nagsaad na si Pacquiao na hindi niya hangad ang titulo, kundi ang pagpapanatili ng kanyang paghahari bilang greatest pound-for-pound fighter sa kasalukuyan.

Ngunit ayon sa ilang personahe sa kampo ni Pacquiao, maaaring magbago ang isip ni Pacman at humiling na itaya ni Cotto ang kanyang titulo.