Migrante

Dahil sa A(H1N1), gobyerno pinag-iingat sa pagpapadala ng OFW


Dapat mag-ingat ang gobyerno sa pagpapadala ng OFW (overseas Filipino workers) para hindi manganib ang buhay ng mga migranteng manggagawa, ayon sa isang grupo ng mga OFW. Ito ang reaksiyon ng Migrante-Middle East makaraang maitala kamakailan ang unang kaso ng nakamamatay na sakit sa Saudi Arabia na natuklasan sa isang nurse na Pilipina matapos itong […]

Dapat mag-ingat ang gobyerno sa pagpapadala ng OFW (overseas Filipino workers) para hindi manganib ang buhay ng mga migranteng manggagawa, ayon sa isang grupo ng mga OFW.

Ito ang reaksiyon ng Migrante-Middle East makaraang maitala kamakailan ang unang kaso ng nakamamatay na sakit sa Saudi Arabia na natuklasan sa isang nurse na Pilipina matapos itong magbakasyon sa Pilipinas.

Nanawagan ang Migrante sa administrasyong Arroyo na itigil na nito ang matinding labor export policy lalo na sa Middle East at sa halip ay unahin ang kalusugan ng mga OFW.

Ayon pa sa grupo, dapat utusan ni Pangulong Arroyo ang DoH (Department of Health) para magbigay ng tulong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga eksperto sa Saudi para mabigyan ng medikasyon ang naturang Pilipina na tinamaa ng nakamamatay na sakit.

Dapat din anilang maglabas ng babalang pangkalusugan ang mga embahada ng Pilipinas sa Saudi at iba pang bansa sa Middle East at maglunsad ng kampanya kung paano maiiwasan ang Influenza A (H1N1).

Sa halip umano na asikasuhin ang charter change, mas higit na dapat bigyan ng pansin ng administrasyong Arroyo ang higit na mahahalagang isyung kinakaharap ng mga OFW tulad ng nakamamatay na virus at pagprotekta sa kanilang karapatan at kagalingan.