Istorya ng Linggo

Tatlong bagong progresibo sa Kongreso


Better late than never. Pinaghihinayangan man daw na hindi sila agad na nakaupo matapos magwagi sa halalang party-list noong 2007, ikinatuwa pa rin ng libu-libong mga tagasuporta nila na madeklara sina Neri Colmenares, Raymond Palatino at Joel Maglunsod bilang bagong kinatawan sa Kongreso.

pw-istorya-ng-linggo-new-party-list-representatives02
Better late than never.

Pinaghihinayangan man daw na hindi sila agad na nakaupo matapos magwagi sa halalang party-list noong 2007, ikinatuwa pa rin ng libu-libong mga tagasuporta nila na madeklara sina Neri Colmenares, Raymond Palatino at Joel Maglunsod bilang bagong kinatawan sa Kongreso. Para sa tatlo, kulang ang isang taon at dalawang buwan para ipaglaban ang mga panukalang batas na maglilingkod sa kapakanan ng kanilang mga constituent na mardyinalisado at kulang-sa-representasyon sa gobyerno. Gayunman, nangangako umano sila na gagawin ang makakaya para maging boses ng progresibong pagbabago sa isang institusyon ng gobyerno na dominado ng mayayaman at bahagi ng pampulitika at pang-ekonomiyang elite.

Kinapanayam ng Pinoy Weekly Online ang tatlong bagong kinatawan para kunin ang pagtingin nila sa bagong pagsalta nila sa Kongreso.

(I-klik ang pangalan para mabasa ang panayam)

Neri Javier Colmenares ng Bayan Muna:

“Sa Kongreso, minamali ang paggamit sa legal processes and rules para sa dalawang bagay. Sa isang banda, inaabuso siya para sikilin yung kanilang mga kaaway. Sa kabilang banda, inaabuso rin siya para depensahan ang guilty o may-sala…”

Raymond Palatino ng Kabataan:

“Hindi pa namin nakikita lahat ng panukalang batas, pero siguro wala diyan yung dapat 6% ng GDP (Gross Domestic Product), nakalaan sa edukasyon. 1% ng GDP dapat, R&D (Research and Development). Reporma o parang amendments sa Magna Carta for Students. At yung usapin ng
labor rights...”

Joel Maglunsod ng Anakpawis:

Ipagpapatuloy ko ang mga nasimulan ni Ka Bel sa Kongreso. Isa na dito ang pagsusulong ng House Bill 1772. Ito ng P125 across-the-board nationwide na dagdag-sahod. Nakaabot na ang panukalang batas na ito sa 3rd reading pero dahil sa ilang teknikalidad, hindi na ito umusad…”