Sports

NBA Conference Finals: Game-by-Game


Eastern Conference Finals: Orlando Magic Kontra Cleveland Cavaliers Ipinakita ng tropa ni Dwight Howard ang kanilang pangil sa pamamagitan ng pagdurog sa Boston Celtics sa Game 7. Kumpleto ang dominasyon ng Orlando sa Boston, na umasang mauulit ang kanilang nagawang ilang sunod na Game 7 bago makuha ang kampeonato ng NBA. Umangat sa pagkakataon si […]

east-west

Eastern Conference Finals: Orlando Magic Kontra Cleveland Cavaliers
Ipinakita ng tropa ni Dwight Howard ang kanilang pangil sa pamamagitan ng pagdurog sa Boston Celtics sa Game 7. Kumpleto ang dominasyon ng Orlando sa Boston, na umasang mauulit ang kanilang nagawang ilang sunod na Game 7 bago makuha ang kampeonato ng NBA.

Umangat sa pagkakataon si Hedo Turkoglu upang pamumuan ang atake sa 2008 Champ, na hindi na nakabawi matapos lamangan ng higit bente puntos sa ika-apat na quarter. Baon nina Turkoglu, Dwight Howard at ng tropa nilang Orlando ang paggapi sa Boston, ang nagkampeon noong nakaraang taon, papasok sa Conference Finals.

Nakaabang naman ang Cleveland sa kanila upang masubukan muli ang kanilang resolba at eksperyensiya na maabot ang kampeonato sa ikalawang beses sa ilalim ng pamumuno ni LeBron James. Bentahe naman (ngunit may ilan pang nagsasabi na magdadala pa ng kalawang sa kanilang paglalaro) ang pahinga para sa Cleveland, na winalis ang Detroit Pistons at Atlanta Hawks papasok sa Conference Finals.

Maaaring hanggang anim na laro lamangang kailanganin upang matapos ang serye kung saan inaasinta ang Cleveland ang magwawagi.

Western Conference Finals: LA Lakers kontra Denver Nuggets
Nagawang isantabi ng Lakers sa pamamagitan din ng Game 7 ang mapusok na Houston Rockets upang magkaroon ng karapatan na kalabanin ang Denver Nuggets para sa titulo ng Western Division.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng higit dalawang dekada na makapasok ang Denver sa Conferece Finals. Bagaman bagito sa kampeonato, napakita nila ang husay upang maging contender sa korona nang talunin nila ang New Orleans Hornets at Denver Nuggets. Pamumunuan ang Nuggets ni Chauncey Billups na ilang beses nang nakapasok sa Playoffs kasama na rin ang isang titulo nang siya’y nasa Detroit pa lamang.

Kakailanganin rin niya ang tulong nina Carmelo Anthony, Kenyon Martin, ni Nene, kasama ang lahat ng tropa niya sa Denver upang tapatan ang taas, liksi at bilis ng Lakers, na pangungunahan nina Kobe Bryant, Pau Gasol, Derek Fisher at Lamar Odom.

Bentahe man para sa Denver ang gutom nila para sa titulo, palalabasin naman ng kumpletong line-up ng Lakers ang kanilang eksperyensiya upang makarating muli sa Finals sa ikalawang sunod na pagkakataon. Matatandaang tinalo ang Lakers ng Boston Celtics noong nakaraang taon. Inaasahan pa rin nilang kukumpletuhin ng pagpasok muli ni Andrew Bynum sa lineup ang recipe upang maabot ang korona. Ito, kasama na rin ang talino at eksperyensiya ni Phil Jackson sa larong kampeonato. Hawak rin ng Lakers ang homecourt advantage.

Tantiya na aabot ang serye sa anim hanggang pitong laro, na mas bentahe sa Lakers.

Sipatin ang recap sa susunod na mga pahina