NUJP nagluksa sa pagkamatay ni Joecap


IKINALULUKSA ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagkamatay ni Jose “Joecap” Capadocia, dating tagapangulo ng grupo at press undersecretary ng gobyernong Aroyo na kasama sa bumagsak na presidential helicopter sa Ifugao noong Abril 6. “Joecap was a consummate newsman and a beloved colleague who always looked after the welfare of his […]

IKINALULUKSA ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagkamatay ni Jose “Joecap” Capadocia, dating tagapangulo ng grupo at press undersecretary ng gobyernong Aroyo na kasama sa bumagsak na presidential helicopter sa Ifugao noong Abril 6.

Joecap was a consummate newsman and a beloved colleague who always looked after the welfare of his fellow journalists,” ayon sa NUJP.

Nahalal umano si Capadocia bilang tagapangulo ng NUJP sa isang “makasaysayang kongreso” nito sa Subic, Zambales noong 2000 matapos mamatay ang tagangulong tagapagtatag nito na si Tony Nieva.

Sinabi pa ng NUJP na nanguna si Capadocia sa pagbubuo ng mission-vision ng NUJP, mula sa pagpaplano hanggang sa pamumuno nito.

(Joecap) sopke of his vision of the Union as an organization that would unite Filipino journalists, represent their rights and establish high professional and ethical standards,” ayon pa sa NUJP.

Hindi umano minasama ng grupo na sumali sa gobyerno si Capadocia dahil nanatili itong kapwa mamamahayag na handang magbigay ng payo hinggil sa pagtanggol sa karapatan sa pamamahayag.

And it is now of reacord that he planned to return to journalism when his stint with government ended,” paliwanag pa ng grupo.

Nakiramay ang NUJP sa pagluluksa ng mga kaanak ni Capadocia, at nakikiisa umano sa pagkawala ng isang “minamahal” na kasama sa propesyon.