Taon 6 • Blg 33

SHOWBIZ, Agosto 22, 2007
Cogie, nanliligaw kay Angel? | Boy Villasanta

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
PinoyBiz

Sexy pictorial ni LT sa FHM, mas magpapagaling kay Rudy

KINAKANTIYAWAN ni Joey de Leon si Lorna Tolentino sa backstage ng “Startalk” sa GMA Network kamakailan.

“’Yan, ’yang FHM pictorial mo ang tiyak na lalong magpapagaling kay Daboy,” pabirong pahayag ni Joey na ang tinutukoy ay pag-ige ng cancer sa bile duct ni Rudy Fernandez.

May alok ang FHM Magazine na magpaseksi si Lorna sa pabalat at nilalaman ng magasin. Sa edad ni LT ngayon? Marami ang nagulat at meron ding napangiti at sumang-ayon.

***

Tulad ni Lolit Solis. “Bakit si Dina Bonnevie? Noong nagpa-pictorial siya sa FHM, malalaki na sina Danica at Oyo Boy Sotto. Mga tinedyer na ng ’yong dalawa pero may dating ang photos, di ba? Ibang klase.

“At ganyan din ang effect ng kay Lorna pag nagkataon. Hindi nga makapaniwala si LT na sa edad n’yang ’yan, may magkakaideya pa na mag-bold siya kahit sa pictorial,” natatawang pahayag ni La Solis.

***

Pero ngiti lang ang sagot ni LT sa lahat ng ito. “Naku, ewan. Tingnan na lang natin. Basta’t malalaman din ninyo agad,” pagsisiguro niya. Pinupuri ni Joey ang FHM dahil kahit aniya seksi ang mga nakapaloob dito ay hindi bastos.

“Ingles kasi,” sabi ko naman. Bahagyang sumang-ayon si de Leon. Ingles man o Tagalog, game si Lorna sa paseksihan at tiyak na siya’y lalaban.

***

Pero bago ’yan ay ang kalusugan muna ni Rudy ang pangunahing interes ni LT. Pupunta muli sila sa Hong Kong at Japan para magpatuloy ng gamutan sa mga eksperto sa karamdaman sa Setyembre. “Sana, matapos na ’yong kalbaryong ’to,” wika ni LT.

Samantala, the show goes ang kanyang drama. Nakangiti pero nagdadalamhati.

***

’Yan din ang drama ni Anjo Yllana nang magpakatotoo sa kanila ang OB-gyne ni Jackie Yllana. May deprensiya ang panganganak ni Jackie. Kung ooperahan siya at buhay ang bata, ang ina ang mabibingit sa kamatayan, kundi man makikitlan ng buhay ang ina, patay naman ang anak. Dasal at himala ang mga pag-asa nina Anjo at Jackie. At marami sila nito. Samantala’y patuloy sa pagpapatawa si Anjo kahit na nagdurugo ang kanyang puso.

***

Dumating sa bansa ang isang dalawampu’t isang taong gulang na idolo mula sa Malaysia na nagngangalang Pierre Andre. Lumapag ang kanyang eroplano sa Clark Air Base sa Pampanga noong umaga ng Lunes kasama ang kanyang direktor na si Ahmad Idham B Ahmad Nadzri at ang kanilang prodyuser na si David Teo.

Nasa bansa si Pierre upang itinda ang kanyang pelikulang Don’t Look Back ng Metrowealth Movies Production ng Malaysia. Mula sa paliparan ay ininterbyu siya ng local press ng Pampanga sa pangunguna ng advertising manager ng Punto! sa buong Central Luzon na si Ning Cordero.

***

Ang ipinagsisintir naman ng promo team ni Pierre sa Pilipinas ay ang kahirapan ng pagi-guest sa mga TV station sa Maynila tulad sa Channel 2 at 7. “Pero kung si Orlando Bloom ang dadalhin mo rito sa Pilipinas, wala pa sa airport, e, kinukunan na ng mga TV crew ang dadaanan ng artista,” pahayag ni Donna Plugio ng Robinsons Cinema.

Nakakainis nga ang imperyalismong Kanluranin at pagkontrol sa larangan ng showbiz dahil ang mga taga-Hollywood, isang piyok lang ay nasa TV na, samantalang ang mga makabuluhang kaganapan sa mga Asyanong bayan ay nakakaligtaan lalo na at hindi popular ang mga karakter na gumaganap. Isang kabaliwan ng Pilipinas.

***

Ang Don’t Look Back ay tungkol sa kamatayan ng isang dalaga na nagngangalang Rose (Intan Ladyana). Upang matuklasan ang misteryoso niyang pagpanaw ay nanguna sa imbestigasyon ang kanyang kasintahan na si Dharma at ang kakambal ni Rose na si Seri (na ginagampanan din ni Intan). May nadiskubre silang isang botelya at isang video camera na kumuha kay Rose bago ito namatay. Mula sa mga ito ay mababakas ang sanhi ng kamatayan ng babae. Ano ang lihim na ito?

***

Samantala, walang lihim si Isabel Oli na may Parkinson’s disease ang kanyang ama. Na ’pag inaatake ito ng sakit ay namimilipit lang. Ginagawa ni Isabel ang lahat para mapagaling ang kanyang ama kasabay ng pagpapagamot niya ng kanyang diabetes.

Nahilo kasi si Isabel sa taping ng isang soap opera sa GMA Network at napag-alaman niya sa doktor na mababa ang kanyang blood sugar. Binigyan naman ito ng ibang kahulugan ng movie press. Buntis daw si Isabel. Sino’ng ama? Ang pinaghihinalaan ay si Paolo Contis, ang kanyang boyfriend. “Hindi nambubuntis ang anak ko!” depensa naman ni Jean Tusi Contis.

***

Ang komento ng propesor, aktres at peryodista na si Aurora Yumul ay magiging Chiquito films ang ibang indie films sa kinalaunan. Na hindi lahat ng indie films ay makakaampok sa pamantayan ng sining. Gayundin naman sa mga pelikula ng tinatawag na mainstream. O kailangan pa bang may independent at mainstream o isa lang sila.

“Pareho rin naman ’yan sa mga pelikulang hindi indie. May mga Chiquito films din kung ang ibig sabihin ng Chiquito ay ’yong walang katuturan,” sabi ni Dennis Marasigan, isang indie director.

“Sa hindi indie kasi, walang creative control ang filmmaker. Ang producer ang nagdidikta,” paliwanag naman ni Paolo Villaluna na tinatapos ang indie film na Selda kasama sina Sid Lucero at Ara Mina.

balik sa itaas

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006