Isang seryosong sakit ang diabetes na nakakaapekto sa ating metabolismo. Ipinakikilala ito ng pagtaas ng lebel ng asukal sa katawan (blood sugar level) na maaaring magresulta sa pagkasira ng iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng mata, bato (kidney) at ng puso.
Nagkakaroon ng diabetes ang isang tao kung hindi na nakagagawa ng insulin ang mga pancreas o kung hindi nagagamit ng wasto ng katawan ang insulin. Kailangan ang insulin para magamit ang asukal ng mga muscle, taba at atay.
Tumatatas ang blood sugar level ng taong may diabetes at kapag tumaas na ito sa delikadong lebel maaaring magkaroon ng kumplikasyon tulad ng:
• Pagkabulag
• Pagkasira ng bato
• Istrok
• Atake sa puso
• Sugat na hindi o matagal
gumaling
• Pagkabaog
Maraming Pilipino ang may sakit na diabetes. Tinatayang tatlong (3) milyong Pilipino ang diabetic, 50% sa kanila ay hindi nasuri. Tatlong milyong Pilipino pa ang may impaired glucose tolerance – isang kondisyon na maaaring magresulta sa diabetes o sakit sa puso.
May dalawang tipo ng diabetes:
• Type 1 – Insulin dependent diabetes. Nangyayari habang bata pa. Kinakailangan na ng pasyente ang maturukan ng insulin dahil hindi na nakakagawa ng insulin ang kanyang pancreas. (10% ng mga pasyenteng may diabetes ang nasa kategoryang ito)
• Type 2 – Non-insulin dependent diabetes. Kadalasan mataba ang pasyente. Mayroon silang insulin o hindi nagagamit ang insulin. Hindi kaagad napapansin na diabetic na pala ang taong mayroon ganitong kalagayan dahil-dahan lang ang pagtaas ng asukal sa dugo.
Paaano malalaman kung ang isang tao ay diabetic?
1. Kapag madalas umihi, laging nauuhaw at hindi maipaliwanag ang biglang pagbagsak ng timbang.
2. Kapag ang asukal sa dugo ay mas mataas sa 200mg/dl.
3. Kapag may fasting blood sugar level na hindi lagpas sa 126mg/dl.
Kapag may mga ganitong sintomas, mataas at timbang at mataas ang presyon ng dugo, agad na kumonsulta sa isang doktor.
Sinu-sino ang maaaring madaling magkaroon ng diabetes?
• anak ng isang may diabetes
• matatabang tao
• taong mataas ang presyon
ng dugo
• taong mataas ang cholesterol
level
• taong palagi lang nakaupo o
hindi aktibo
Paano kontrolin ang blood sugar?
1. Diet Therapy
Iwasan ang cake at mga tsokolate. Kumain ng prutas. Huwag magpalipas ng gutom dahil nasisira ang blood sugar level. Kumain ng gulay. Bawasan ang asin. Iwasan ang mga alak at softdrinks
2. Exercise
Ugaliing mag-ehersisyo dahil nakakatulong ito upang mapaganda ang takbo ng ating puso, nakakatulong sa maayos na paggamit ng insulin, nakakapagpababa sa blood pressure at cholesterol level, at nakakapagpabawas sa taba sa katawan at timbang.
Mag-ehersisyo kahit tatlong beses sa isang linggo na tumatagal ng 30 minuto kada ehersisyo.
4. Huwag manigarilyo
5. Panatilihin ang tamang blood pressure.
Kapag may sintomas ng diabetes agad na magpatinging sa isang doktor, simulan nang magdiyeta sa pagkain, kumain ng mas madaming gulay, iwasan ang matatamis na pagkain, huwag na ring kumain ng matataba at maaalat na pagkain, mag-ehersisyo at pababain ang timbang. Huwag ring uminom ng alak at manigarilyo.
balik sa itaas
|