Taon 6 • Blg 30 • Agosto 8, 2007

SPORTS, Agosto 2, 2007
Digmaang Pilipinas-Mexico

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
SPORTS

Garnett sa Boston: Pagbasag sa rasismo

MATAGAL nang itinuturing ang Boston sa Massachusettes, USA na kung saan malakas ang hatak ng rasismo o diskriminasyon ng mga lahing puti sa mga itim. Sa libro ni Harvey Araton noong 1992 na The Selling of the Green at ni Howard Bryant na Shutout (2003), isiniwalat ang kasaysayan ng Boston kung kailan nakadama ang mga atleta ng diskriminasyong higit sa iba pang lugar sa Amerika.

Siyempre, sa basketbol, mahirap mabura ang impresyong ito dahil mga puti ang ilan sa pinakamahusay na manlalaro ng Boston Celtics. Pinakahuli rito ang dalawang superstar na nagdala sa Boston ng tatlong kampeonato ng NBA: sina Kevin McHale at Larry Bird. Lalo pang pinatindi ang pagkaputi nina Bird at McHale dahil sa rivalry ng Celtics at LA Lakers, kung saan namumuno ang mga itim na superstar na sina Kareem Abdul-Jabbar, James Worthy at Magic Johnson.

Ngayon, isang itim na superstar ang ibinabandera bilang tagasalba ng tradisyon ng kampeonato sa Boston: si Kevin Garnett mula sa Minnesotta Timberwolves (kung saan general manager si McHale). Sa mga panayam, inamin ni Garnett na noong una’y nagdalawang-isip siya sa Celtics dahil sa laganap na impresyong malakas ang rasismo sa Boston. Pero matapos makipag-usap sa mga itim na dating manlalaro ng Boston tulad nina Antoine Walker at Gary Payton, nahikayat siyang tanggapin ang alok ni Celtics GM Danny Ainge.

Nakatulong din sa pagdedesisyon ni Garnett ang pagkakaroon ng mga kakoponan sina Paul Pierce at Ray Allen, kapwa-itim na manlalarong nasa kalagitnaan na ng karera pero tulad niya’y hindi pa nakakaranas magwagi ng kampeonato.

Gayunman, nariyan pa rin ang rasismo. Ayon kay Peter Roby, direktor ng Northeastern University Center for the Study of Sports in Society sa Boston, challenge sa basketball fans ng Boston na tanggapin si Garnett bilang kanila sa kabila ng pagiging itim nito. Makakatulong umano ito sa unti-unting pagbuwag sa konserbatibo at rasistang kultura sa lugar.

“Bilang fan, hindi puwedeng magustuhan mo si Kevin Garnett, pero may isyu ka (sa lahing itim),” paliwanag ni Roby.

Makakatulong ang pagpunta ni Garnett sa Boston sa pagbasag sa bulok na kultura ng diskriminasyon sa US. Gayunman, isang maliit na hakbang lamang ito. Mayorya ng sikat at mahuhusay na mga atleta sa US ay pawang mga puti – kahit sa golf kung saan tradisyunal na nangunguna ang itim ay pinangungunahan na ng mga tulad ni Tiger Woods. Pero nananatili ang rasismo.

Higit pa sa paglalaro ng mga tulad ni Garnett sa Boston ang kinakailangan upang tuluyang mapawi ito.

balik sa itaas

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006