Taon 6 • Blg 27 • Hulyo 19, 2007

SAMU'T SARI , Hulyo 10, 2007
Magpa-vasectomy o hindi | Diana Hofileña
Ang Linggong ito sa Kasysayan


home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
SAMU'T SARI
Nawalan ng kabuhayan dahil sa nasirang karagatan

Hindi lang dapat paghandaan ang kalamidad kung hindi dapat ding ihanda ang kabuhayan kung saan nakasasalay ang buhay na pinangangalagaan. Ayon sa Citezens’ Disaster Response Center, nasisira na ang mga lugar ng palaisdaan sa Cebu at ilang mga isla at dagat sa Visayas.

Halos 10 araw na palang hindi makapangisda ang mga mangingisda doon dahil sa Apex (Japan Exploration) na sumisira sa mga karagatan na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao. Malaking problema ngayon nila kung papaano at saan sila hahanap ng pansamantala nilang maaring pagkuhaan ng kabuhayan.

Simula kasi ng mapadpad sa kanilang lugar ang Apex ay hindi na umano malinis-linis ang malaking porsiyento ng langis na unti-unting lumalason sa mga lamang-dagat na namumuhay sa kanilang karagatan.

balik sa itaas

Iska at Dalyo
Gong at Kol
Tala-kaalaman

ALAM ba ninyo na noong 1914 -1946, matapos madugong sagupain ang sambayanang Moro, itinuloy ng gobyernong Amerikano ang patakaran ng panggagamit sa mga lider nila. Binigyan sila ng mga posisyon sa gobyerno habang nagpapaunlad ng bagong “nobilidad” sa hanay ng mga nagsilbi sa pamahalaang Kastila. Ilan sa kanila sina Datu Piang, Datu Sinsuat Balabaran at Datu Ortueste (McKenna, 1998). Walang isa man sa kanila ang may “dugong bughaw,” ngunit tumaas ang kanilang posisyon at nagkamal sila ng yaman sa pagiging sunud-sunuran sa mga among kolonyal.

Tipikal na halimbawa si Datu Piang, na may bayan sa Maguindanao na ipinangalan sa kanyang karangalan. Anak siya ng isang mangangalakal na Tsino at kaibigan ng isang tunay na datu. Naging paborito siya ng datu, alyado ng mga Kastila, at dakilang kaibigan ng mga Amerikano.

Balik sa itaas

Ang Linggong ito sa Kasaysayan

11 Hulyo
1869 Ipinanganak si Dr. Pio Valenzuela, isa sa mga orihinal na lider ng Katipunan. Kontrobersyal siya, dahil matapos hayagang ideklara ng mga Katipunero, sa pangunguna ni Andres Bonifacio, ang rebolusyon laban sa kolonyalismong Kastila, sinasabing siya ay sumuko sa mga kaaway at nagbigay ng mga impormasyong ikinapahamak ng marami. (Siya ay namatay noong Abril 6, 1956.)
1991 Si Honorata “Ka Atang” de la Rama, reyna ng sarsuwela at kabiyak ni Ka Amado Hernandez, ay namatay. (Siya ay isinilang noong Enero 11, 1902.)

15 Hulyo
1945 Ang maka-Kaliwang Democratic Alliance ay itinatag. Koalisyon ito ng mga manggagawa, magsasaka, propesyonal at iba pang progresibong Pilipino na naglayong sumangkot sa pulitikang elektoral. Noong 1946, naipanalo nito ang anim na kandidato sa Kongreso. Sa udyok ng US, sila ay pinigil ng gobyerno na makaupo. Kinasuhan sila ng pandaraya at terorismo. At dahil sa pagdiskuwalipika sa kanila, ang Parity Rights ay madaling naisingit sa Konstitusyon ng Pilipinas.

16 Hulyo
1807 Ang Pag-aalsang Basi ay pumutok sa Piddig, Ilocos Norte. Sinugod ng mga galit na galit na Ilokano ang himpilan ng mga Kastila bilang paglaban sa monopolyo ng basi. Tumagal nang dalawang linggo ang pag-aalsa.

17 Hulyo
1923 Naganap ang tinatawag na Cabinet Crisis nang magbitiw ang lahat ng Pilipino sa gabinete ng administrasyon ni Gob.-Hen. Leonard Wood. Ang protesta, na pinangunahan ni Manuel Quezon, ay bilang pagtutol sa mala-diktador at rasistang pamamalakad ni Wood.

balik sa itaas

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006