Taon 6 • Blg 26 • Hulyo 10, 2007

Pinoybiz, Hulyo 6, 2007
Kahit gigil na gigil na, ayaw pa ring awayin ni Lorna si Osang | Boy Villasanta

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
SHOWBIZ
PinoyBiz

Hiwalayang Cesar Montano-Sunshine Cruz malayo sa hinagap

ANO’NG sinasabi ng mga kritiko at naghahabi ng mga kuwento na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz ay hiwalay na?

Ayan at magkasama pa sila sa kanilang bahay sa may Scout Rallos.

Ano’ng sasabihin nilang ang kabiguan ni Cesar sa pulitika ang sanhi ng pag-aalsa-balutan ni Sunshine at bumalik na siya sa mga Cruz?

“Gasgas na ito pero hindi naman maiiwasan sa mag-asawa na magtalo o magsagutan. Pero sa case namin ni Shine, napa-patch up namin agad ’yon,” pahayag ni Cesar.

“I will always be in Cesar’s side. Kahit ano’ng mangyari, come hell or high water, kami pa rin,” sabi ni Sunshine.

Natural lang ani Montano sa isang natalong kandidato na malungkot pero hanggang doon lang dahil pagkatapos na siya’y malungkot, mag-iisip siya at babalik sa dating sigla.

***

Ngayon ay aktibo muli ang aktor sa kanyang trabaho at magsisimula na siya ng produksiyon ng pelikulang tatalakay sa buhay ni Ninoy Aquino. Si Marilou Diaz-Abaya muli ang magdidirek.

Si Marilou ay may cancer of the breast pero balewala sa kanya ito. Aktibong-aktibo ang direktora sa kanyang sining kabilang ang pagtulong sa mga Katoliko na may TV station lalo na sa Central Luzon.

Ito ang kinahinatnan ng sining ng pelikula ni Diaz-Abaya—ang pagiging relihiyosa at pagsandig sa metapisika bilang sandigan ng kanyang pakikibaka.

Patuloy na maghahandog si Marilou ng kanyang nalalaman sa buhay hanggang siya’y nabubuhay. At isa si Cesar sa kanyang paboritong mga instrumento ng pagbibigay-impormasyon sa balana.

Nakaturban na si Marilou habang nakikipagmiting kay Cesar.

***

Bukod sa kasalukuyang proyekto ng Bahay Kalinga na pelikulang Paraiso, isang trilogy tungkol sa pagkakaloob ng tahanan sa mga kapos-palad at walang matirhan, nakatakdang makipagtambalan si Cesar kay John Travolta sa Hollywood.

Kaya lang ay may pakundangan si Buboy sa lahat ng iyo.

“As of now, kasama ako sa casting ng pelikula ni John Travolta. Ito ay tungkol sa mga hayop. As of now, nasa casting pa ako,” sabi niya.

Naisingit ni Buboy ang shooting ng Paraiso para sa mga prodyuser na sina Tony Tuviera, Tony Gloria at Butch Jimenez.

***

Samantala, bati na ang nagbabangayan sa ere ng telebisyon na sina Cristine Reyes at Katrina Halili.

Hindi sila nakatiis sa kanilang patutsadahan bilang mga kabataang impulsibo at reak nang reak sa kahit ano basta’t nakasalalay ang kanilang bata ring mga interest.

“Sabi sa akin ni Katrina, isang araw, nang mapanood niya ang interview ko na ‘hindi ko na kaya ’to, Sis.’ Kaya noon din ay nag-patch up kami. Wala naman kasing mangyayari sa gulo at problema,” wika ni Cristine.

Nagkaroon tuloy ng publisidad ang kanyang pag-landing sa cover ng FHM Magazine.

Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Ito ang tumpak na kawikaan sa kilometrikong awayan nina Reyes at Halili.

***

Itinaggi naman ni Robin Padilla na sinimangutan siya ni Angel Locsin at ito ang dahilan sa kanilang panlalamig ng ugnayan sa isa’t isa. Natiyempo na ang problema sa pagtatapos ng Asian Treasures ng GMA Network.

“Sino ba namang estudyante ang tataray sa kanyang propesor?” tanong ni Robin.

Siya ang inaari niyang maestro samantalang ang mag-aaral ay si Angel.

Wala ani Padilla na tarayan na namagitan sa kanila ni Angel dahil nagrerespetuhan sila sa isa’t isa.

***

Umalis din patungong Amerika ang aktres na pigtal sa lahat ng masasamang vibes sa Pilipinas. Mahal niya anya si Robin bilang kaibigan at hindi niya maaatim na tarayan ito o simangutan man lang.

Dalawa ang destinasyon ni Angel sa kanyang pangingibang-bansa—ang mamasyal sa US at mag-aral ng interior design sa London.

“Babalik din po ako dahil pag-aartista ang aking buhay. Parang mamamatay ako’pag hindi ako nakaarte. Kaya ito ang aking gagawin sa buong buhay ko. Madali lang naman ang travel ko kaya babalik ako,” sabi ni Angel.

***

Itinanggi rin ni Lovi Poe na hahabul-habol siya kay Cogie Domingo.

“Magkaibigan lang po kami ni Cogie. We’re really very close kaya wala kaming official commitment lalo na ngayon na nasa US siya,” pagtatapat ng anak ni Fernando Poe, Jr. sa modelong si Rowena Moran.

“We are not officially lovers, we’re just friends,” sabi ni Lovi.

Pero nagpaalam sa kanya si Cogie bago ito nagpa-Amerika at panay ang tawagan nila sa telepono.

Wala pa ani Poe sa kanyang isip ang pag-ibig dahil nakabaon ang kanyang panahon sa pag-aaral.

“I’m now in college at the International Business School,” pahayag ni Lovi.

Iba ang International Business School sa International School bagamat sa Colegio de San Agustin nagtapos ng high school si Lovi.

May hilatsa ni FPJ ang kabuuang katauhan ni Lovi lalo na sa ningning ng kanyang mga mata.

Buhay na naman si FPJ at kahit ang matabang peryodistang pampelikula na si Lolo Buenaobra ay nagagalak na buhay ang kanyang idolo at kaibigan sa katauhan ni Lovi na kanya ring idolo at kaibigan.

balik sa itaas

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006