Taon 6 • Blg 26 • Hulyo 10, 2007

OFW, Hulyo 6, 2007
20,000 OFW baka mapalayas sa UAEIpinanganak sa Kuwait, Inuwi ng ina sa PilipinasGamla: Bantayog ng Kagitingan | Para sa Diyos at Bayan, Fr. Dwight Regalado, IFI

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
BALITANG OFW

Embahada ng ‘Pinas inireklamo ng Pinay

Isang Pilipinang kasa-lukuyang naninirahan sa Thailand ang nagrereklamo hinggil sa kapalpakan ng Embahada ng Pilipinas doon.

Nagpakilala lamang siyang si Johanna O. Rasco, sinabi nitong walang sistema ang embahada, lalo na sa pagpoproseso ng mga papeles gaya ng birth at marriage certificate na kinakailangang isumite nilang mag-iina sa mga opisyal ng imigrasyon ng Thailand.

Salaysay niya, bandang alas-9:00-10:00 ng umaga, Hunyo 4 nang makipagtransaksiyon sila sa Embahada ng Pilipinas doon.

“Sa loob ng embahada, nagkalat ang lahat ng tao, hindi nila alam kung saan sila aasikasuhin ng mga nasa desk. Wala man lamang numero o pila. Talagang magulo,” sabi ni Rasco.

Hindi rin umano nagbibigay ng resibo ang mga taga-embahada bukod pa sa kulang kung magsukli ang mga ito.

“Matapos kong magbayad, makalipas ang 30 minuto, kulang ang sukli niya ng 700 Thailand Baht (katumbas ng P1,012.56).

Siyempre, nasa wisyo pa naman ako na sabihing kulang ang kanyang sukli. Saka, kapag humihingi ng resibo, sasabihin lamang nila sa iyo, wala na o naubos na,” sabi pa ni Rasco.

“Mukhang paurong talaga yata ang bansa natin,” aniya pa.

balik sa itaas | sunod

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006