Taon 6 • Blg 23 • Hunyo 20, 2007

BALITA, Hunyo 12, 2007
Utang ng ’Pinas tumaas ng P35-BPiket sa Chong Won dinahas: Dalawang opisyal, tinangkang patayinPaghahanap sa Italyanong paring dinukot, patuloyHSA ilegal, dapat ibasura — Naflu, SuaraSa paggunita ng Araw ng Kalayaan: Mamamayan ng Timog Katagalugan nagprotesta Desisyon ng Korte Suprema sa tubuhan Dapat magpabilis sa pamamahagi ng lupa

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
BALITA

Imbestigasyon ni Sen. Trillanes
sa pamamaslang, pinuri ng militante

Susuportahan ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) ang hakbang ni Sen. Antonio Trillanes IV na imbestigahan at tugisin ang sinasabing mga “death squad” ng AFP (Armed Forces of the Philippines) na itinuturong pumapatay sa mga aktibista at lider ng progresibong mga organisasyon.

Nagpahayag si Trillanes na pangungunahan niya ang imbestigasyon sa hindi matapus-tapos na mga kaso ng pagpatay sa mga sinasabing sangkot sa kilusang komunista at tutukuyin ang mga miyembro ng diumanong mga death squad.

“Ito ang unang pagkakataong isang sundalo na talagang tumutuligsa sa pagpatay sa ’di naman naarmasang mga aktibista,” pahayag ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Nanawagan pa ang Bayan kay Trillanes na ipatawag sina Ret. Hen Jovito Palparan at Chief Delfin Bangit ng Isafp (Intelligence Service of the AFP) sa pagdinig ng Seanto hinggil sa pamamaslang.

Si Palparan ang tinukoy ng Melo Commission na responsable sa mga pamamaslang bilang kumander ng militar sa Gitnang Luson. Samantalang si Bangit naman ang pinananagot ng Commission on Human Rights sa pagkawala ni Jonas Burgos, aktibista at anak ng yumaong Joe Burgos.

Gayunman, nangangamba ang Bayan na maaaring gipitin nang husto ng gobyerno si Trillanes para hindi matuloy ang balak nitong imbestigasyon sa pampulitikang pamamaslang sa bansa.

“Kasi ang pangunahing layunin ng imbestigasyon ay makilala ang mga salarin at utak sa pamamaslang at mga pagdukot sa mga aktibista. Siyempre, maraming makakalkal na baho kapag nagkataon,” sabi ni Reyes.

Kumpiyansa naman ang Bayan na maaaring matukoy ni Trillanes ang mga may kinalaman sa pamamaslang dahil sa mahigpit nitong koneksiyon sa militar.

Samantala, pinayuhan naman ng Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP) ang dalawang heneral na nag-alok ng tulong sa imbestigasyon sa pamamaslang dahil maaaring manganib ang kanilang seguridad.

“Hahamunin nila ang pinakabrutal na aparato ng estado at gagawin namin ang lahat para lumabas ang katotohanan. Umaasa kaming mananatili silang ligtas bago isagawa ng Senado ang imbestigasyon mahigit isang buwan mula ngayon,” ayon sa KMP.

balik sa itaas | sunod

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006