Taon 6 • Blg 22 • Hunyo 12, 2007

BALITA, Hunyo 8, 2007
Ka Bel balik-KamaraBagong mayorya sa Senado binubuoGuro sa Cordillera kaposPagpaslang sa 2 pesante sa Negros; Patunay na inutil ang CarpKaguluhan sa Pagalungan posibleng sumiklab muli: Libu-libong bakwet nanganganib Bakbakan ng NPA, militar sa Masbate patuloy

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
BALITA

Utang ng ’Pinas tumaas ng P35-B

TUMAAS ANG panlabas na utang ng bansa ng P35- Bilyon (katumbas ng US$755 Milyon) sa kabila ng pagtaas ng piso kontra-dolyar (P46.35 = US$1.00 noong Hunyo 12) nitong Marso, ayon sa BTr (Bureau of Treasury).

Iniuugnay ng BTr ang pagtaas ng utang ng bansa sa paghina ng tinaguriang “third currencies” gaya ng Yen ng Japan (¥) kontra-dolyar na bumubuo ng kalakhan ng utang ng bansa.

Dahil dito, umaabot na sa P1.75-Trilyon ang kabuuang utang panlabas ng bansa, kumpara noong Pebrero na umabot lamang ito sa P1.73-T.

Umabot naman sa P2.18-T ang domestikong utang ng bansa (yaong inutang sa lokal na mga bangko at iba pang institusyong pampananalapi) noon ding Marso, mula sa P2.17-T noong Pebrero dahil sa P12.8-B na netong nailabas ng BTr. Higit na mababa naman ito sa P2.19-T na kabuuang domestikong utang ng bansa noong nakaraang taon, pagtatanggol ng BTr.

Sa kabilang banda, nanawagan ang malalaking negosyante sa gobyerno na rendahan ang tuluy-tuloy na paglakas ng piso sa katwirang nakaaapekto rin ito sa lagay ng pangangalakal at pagnenegosyo sa bansa.

balik sa itaas | sunod

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006