Taon 6 • Blg 16 • Mayo 1, 2007

BALITA, Abril 24, 2007
Dahil sa pahayag ni Puno ng Korte Suprema: Batas kontra-terorismo, maibabasuraAtake sa militante patuloyGonzalez dapat sibakin — Ka BelPNP walang ebidensiya kontra kay BonuanBiktima ni Marcos, nagalak sa suporta ng UNEstudyante ng UP muntik nang dukutin

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
BALITA

P40-M donasyon ni Erap di totoo- Bayan Muna

Tahasang pinabulaanan ng partidong Bayan Muna ang lumabas na balitang tumanggap umano ng P40 Milyon ang militanteng partido mula kay dating pangulong Joseph Estrada para pambayad umano sa mga pollwatcher.

“Hindi totoo ang balitang ito. Walang ibang panggagalingan ang intrigang ito kundi ang dirty tricks department ng administrasyong Arroyo," ani Nathanael Santiago, pangkalahatang-kalihim ng Bayan Muna.

“Hindi kami nakipagpulong kay Estrada at hindi rin kami humingi ng donasyon,” ani Santiago.

Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na naninira lamang ang administrasyon upang mabaling ang atensiyon ng taumbayan sa gagawing pandraraya ng administrasyon.

Lahat tayo gusto ng malinis na halalan, maliban na lamang ang ‘Hello Garci administration’ na desperadong maipanalo ang kanilang mga kandidato, ani Casiño.

balik sa itaas | sunod

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006