Taon 6 • Blg 15 • Abril 24, 2007

SAMU'T SARI , Abril 19, 2007
Pag-iwas sa rabies | Ryo Suda
Paano maiwasan ang global warming | Marydanelle Cablao
Ang Linggong ito sa Kasaysayan


home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
SAMU'T SARI
Solusyon sa sunburn

Dahil summer ngayon, masarap maligo sa pool o kaya sa beach. Pero sa tindi ng sikat ng araw, malaking problema ang erythema o kilala bilang sunburn.

Pulu-pulutong na pamumula ng balat na may iba’t ibang hugis at laki ang sunburn. Gaya nang gustong ipahiwatig ng pangalan nito, bunga ito nang labis na pagkabilad natin sa nakapapasong init ng araw.

May ilang murang alternatibo para mapagaling ang mahapdi at nakaiiritang sunburn gaya nang paliligo gamit ang tubig na may gawgaw (corn starch) araw-araw. Gawin ito hanggang tuluyang gumaling ang ating sunburn.

Sa isang malaking batya, dram o kahit anong lalagyan ng tubig na maari tayong lumubog habang naliligo, maglagay ng maligamgam na tubig. Hindi kailangang punuin ito. Hanggang 2/3 lamang ng lalagyan ang kailangang abutin ng maligamgam na tubig na lalagyan natin ng tinunaw na dalawang basong corn starch sa isang baso ng malamig na tubig. Magbabad ng 20 minuto.

Sa pagpapatuyo ng ating katawan, huwag kaskasin ito lalung-lalo na ang bahaging may sunburn. Padampi-dampi lang ang gawing pagpupunas.

Bukod dito, maari ring ipaligo ang tubig-ulan para gumaling ang ating sunburn o kaya, pulbusan ng gawgaw ang bahaging may sunburn. Malamig kasi ang gawgaw kaya nakatutulong ito para paginhawahin ang bahaging may sakit.

May halamang gamot din na magagamit sa pagpapagaling ng sunburn gaya ng alusiman.

Katasin ang dahon ng alusiman at ipahid ang katas sa sunburn. Kung may impeksiyon o medyo malala ang sunburn natin, bayabas ang tamang solusyon para diyan. Magpakulo lamang ng isang tasang tinadtad na dahon ng bayabas sa isang galon (3.78 litro) ng tubig. Pagkaahon sa kalan, dagdagan itong muli ng dalawang galong tubig. Ipaligo.

Gayunman, may mas mainam na paraan para maiwasan ang sunburn at ano ‘yon? Maglagay ng sun block bago magbabad sa init ng araw.

balik sa itaas

eLeksyon '07
Ang Linggong ito sa Kasaysayan

27 Abril
1521 Si Fernando Magallanes, Portuges na pinuno ng ekspedisyong Kastila na unang nakarating sa kapuluang tinawag na Pilipinas, ay namatay sa Labanan sa Mactan. Si Lapu-Lapu ang pinuno ng katutubong puwersang sumagupa sa mga dayuhan.
1565 Mula sa Mexico, dumating sa Cebu ang ikalawang ekspedisyong Kastila, sa pangunguna ni Miguel Lopez de Legazpi. Simula na ito ng kolonyalismong Kastila na tumagal ng 333 taon at kinatampukan ng pang-aapi at pagsasamantala sa mga katutubo at iba pang nasasakupan, kapalit ng Kristiyanismo at Kanlu-raning “sibilisasyon.”

28 Abril
1611 Ang mga paring Dominikano ay nagtatag ng isang seminaryo, na makalipas ang limang taon, ay tinawag na Colegio de Santo Tomas de Nuestra Señora del Rosario. Noong 1645, ito ay idineklara ng Papa na isang pamantasan, at tinawag na Universidad de Sto. Tomas. Pinakamatandang unibersidad sa Asya, ang UST ay isa rin sa pinakaunang lugar ng aktibismo ng mga estudyanteng Pilipino.

1 Mayo
1903 Ginanap sa Pilipinas ang unang Araw ng Paggawa, sa pag-oorganisa ng Uod (Union Obrero Democratico), na siya ring unang pederasyong manggagawa sa bansa. Mahigit sa 100,000 manggagawa ang nagmartsa sa Malakanyang upang tuligsain ang imperyalismong Amerikano at igiit ang makataong kondisyon sa paggawa. Naalarma ang kolonyal na gobyerno, ipinaaresto nito sa Philippine Constabulary ang presidente ng Uod na si Dominador Gomez.

balik sa itaas

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006