| Sex video nina Danilo at Jaycee, ibubulgar
AYAW talagang
paawat ng
Entertainment
Press Society, Inc. o Enpress at ng Philippine Movie Press Club o PMPC sa pagbibigay ng award sa mahuhusay (para sa kung anumang pamantayan ng dalawang organisasyon) sa lokal na industriya ng pelikula kahit “patay” ang larangang ito kundi ang buhay na buhay ay ang digital films.
Tunay na totoo ang sinabi ng Canadian na propesor at manunulat na si Marshall McLuhan tungkol sa telekomunikasyon na ang daigdig, sa mas malawak na kalakhan nito, ang bansa o lipunang Pilipino (na may hiwa-hiwalay na mga kalipunan o grupo o yunit sa sosyedad nito) ay lagi na lang hinahati upang makapagkontrol ang nais maghati. Hindi ito naiiba sa paghahati-hati ng mga organisasyon dahil sa disgusto ng isa o higit pang miyembro sa liderato kaya ang ginagawa ay tumitiwalag at nagbubuo ng bagong samahan na pareho rin ang mga layunin. Isa itong bukal ng kapangyarihan sa isang nais mamuno sa humiwalay na grupo.
Kaya paano magkakaroon ng pagkakaisa sa hanay ng mga peryodistang pampelikula?
Hala, sige, tuloy ang Golden Screen Awards ng Enpress at ang Star Awards for Movies ng PMPC para may patunayang “may kapangyarihan” pa rin ang movie press na mga miyembro nito para pansinin at hindi balewalain. ***
Kaya naman dumagsa ang mga artista sa Golden Screen Awards lalo na ang mga nominado samantalang sa Star Awards kamakailan ay mag-aalas onse na ng gabi nagsimula ang parangal.
Ayon sa aktres, prodyuser at talent caster sa mga komersiyal na si Flor Salanga, maaga silang dumating sa UP Theater (kasama ang prodyuser ng digital film na Batad Sa Paang Palay na may mga nominasyon kabilang ang Best Digital Independent), pero nang mag-alas diyes y medya na ng gabi ay tumalilis na sila kasama ang nominadong best child actress sa kanilang pelikula.
Nang dumating si Sam Milby ay pinagkaguluhan siya ng fans at wari’y hindi matapus-tapos na tilian ang ipinagkaloob ng kanyang mga tagahanga sa idolo. Ayon sa peryodistang pampelikula na si Danny Vibas, natalbugan ni Sam sa pagtili ng mga tagahanga sina Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Maricel Soriano, Ryan Agoncillo at Nora Aunor na pawang may mga nominasyon pero hindi nakarating sa okasyon.
Best Actress si Judy Ann Santos para sa Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema samantalang Best Supporting Actress si Gina Pareño sa pareho ring pelikula.
Best Actor sina Jericho Rosales (The Manny Pacquiao Story ng FLT Films) at Piolo (Don’t Give Up On Us ng Star Cinema).
Best Supporting Actor naman si Allen Dizon para sa Twilight Dancers ng Centerstage Productions at Best Director si Jose Javier Reyes para sa Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema kung saan ay nagwagi rin ito ng Best Picture.
Dahil wala si Juday sa awards night, ang kanyang kapatid na si Jeffrey Santos ang tumanggap ng award para sa aktres. ***
Nakaw-eksena naman si Ynez Veneracion dahil ang pilit na itinatanong sa kanya ng fans ay si Mon Confiado. Kung magkakabalikan daw sila. Ngiti lang naman ang sagot ni Ynez.
“Kami naman, lagi kaming nagkikita pero wala pa uling official arrangement. Kung talagang kami, kami, di ba?” tanong ni Ynez.
“Nag-uusap na kami ni Ynez tungkol sa reconciliation. Ang problema lang, time. Hindi mag-swak ang oras namin pero we really want to be back to each other’s arm again,” sabi naman ni Mon.
Lalong gumaguwapo si Confiado kaya atat na atat naman si Ynez dahil tinamaan talaga siya nang husto sa anak ng namayapang si Angel Confiado. ***
Ang tuluyang nagkahiwalay ay sina Danilo Barrios at Jaycee Parker. Hindi kaiga-igaya ang pag-sasaulian ng kandila ng dancer ng Streetboys at ng Viva Hot Babe dahil nagbabanta si Jaycee na may pasasabugin siyang baho.
Pero ang nakapag-tataka ay isasali rin niya ang kanyang sarili dahil may sex video anya na nakunan sila ni Danilo na nagla-lovemaking kasama ang isang babae.
Magagawa kaya ni Parker na ibuko ang kanyang sarili kung sakaling totoo ang balitang ito?
Nakapanghihinayang ang relasyon nina Barrios at Parker dahil ang akala ng lahat ay sila na ang magkakatuluyan pero walang kaabug-abog na nasilat pa ang maganda nilang pagsasamahan. ***
Hiwalay na rin ang isa pang Viva Hot Babe na si Gwen Garci sa kanyang kasintahang Brazilian.
Ang masakit nito ay dinala pa ng Brazilian sa kanilang bansa si Gwen para lang ibasura siya kapagdaka ng Latinong ito.
Ngayon ay purita mirasol as in mahirap pa sa daga si Gwen dahil wala naman palang datung ang Brazilian na ito at sa kanya pa umaasa.
Ang ending si Gwen—nagbalik sa Pilipinas para maghanap muli ng trabaho.
Ayon sa aktres, hindi siya mapili ngayon sa trabaho dahil sa kawalan ng hanapbuhay ay kahit ano ay gagawin niya.
Nakakapagtaka naman kasi itong mga sexy star natin dahil nagkakagulo at patay na patay sa mga dayuhan na wala rin naming pera.
Mabuti pa ay dito na lang sila sa Pilipinas maghanap ng kanilang papa. ***
May kasunod na ang Pantasya ng Viva Entertainment pagkatapos na umani ito ng papuri mula sa mga kritiko at publiko. Ang sex video para sa mga bading ay pinag-uusapan kaya naman hindi nag-atubili si Vic del Rosario na bigyan si Brillante Mendoza ng panibagong project na magpapatatag ng pananaw ng direktor sa gay film.
Umaatikabong halikan ng lalaki sa lalaki ang Pantasya pero ayon kay Brillante at kay Arman Reyes na associate director ay malaki ang tsansa na maipalabas ito sa mga sinehan.
Dahil sa magandang kapalaran ng pelikula, nag-location hunting na sina Mendoza at ang kanyang iskriprayter na si Boots Agbayani-Pastor. Sumagsag sila sa Bolinao, Pangasinan para maghanap ng shooting site para sa Boys of Summer na isa na naming kagila-gilalas sa pelikula tungkol sa kabaklaan. ***
Special request ang mga artista ng Ilusyon ni Paolo Villaluna sa Korea. “Nakakapagpataba nga ng puso, e. Imagine, maipapalabas sa Korea ang pelikula at nais pa nila na i-dub o kaya ay ipa-subtitle ang pelikula pero ang sabi ng mga Korean na nag-book, kahit na i-retain lang ang original na dialogue,” pahayag ni Paolo.
Si Villaluna ang abala sa kanilang indieSine Film Festival sa Robinsons Galleria Cinema 8. Siya ang programmer ng pestibal at tatlong taon ang kontratang pinirmahan niya sa pangasiwaan ng Robinsons. Bale ang presidente ng Independent Filmmakers Cooperative ay ang experimental filmmaker din na si Emman de la Cruz.
Iniimbitahan din ng Korean distributor ang lahat ng artista ng pelikula na sina Jennifer Lee, Yul Servo at Jaycee.
Ngayong hiwalay na sila ni Danilo Barrios ay mas magkakaroon na ng liwanag ang kanyang landasin dahil pareho pa silang bata para sumuong sa maagang pag-aasawa.
balik sa itaas |