| Magpapa-annul na ng kasal si Kris?
UPANG makasiguro na malusog at
mapayapa ang pagsisilang sa
kanyang sanggol, nagtungo si Kris Aquino sa Makati Medical Center kamakailan upang ipa-ultrasound uli ang kanyang dinadala sa sinapupunan.
Kulang sa timbang ang bata, si Baby James kaya nalungkot si Kris.
Pero hindi pa katapusan ng mundo para sa kanya.
Para naman nating hindi siya kilala, ‘no!
Lalaban siya at lalaban.
Kaya ang naisip niya, bakit hindi siya muli kumain ng balut para lumaki at tumaba ang sanggol?
Noon kasing ipinagdalantao niya si Joshua ay kain siya nang kain ng balut at nang ipanganak niya ang kanyang panganay ay ang taba-taba, ang laki-laki. ***
Ang kapansin-pansin sa pagpapa-ultrasound muli ni Kris sa kanyang baby ay ang pagdating ni James Yap sa ospital bagama’t dalawang linggo nang hiwalay ang dalawa.
Tinupad ni Kris ang payo ng kanyang inang si dating pangulong Cory Aquino na bumalik na lang siya sa kanilang ancestral house sa Times Street at iwan na ang condo na kanilang tinitirhan.
May kapatid pala si James na nag-aaral ng Nursing at sa bahay nila ni Kris nakatira.
Nang mag-alsa-balutan ang basketball player ay kasama niya ang kanyang utol.
Si Kris naman ay alagang-alaga ni Tita Cory.
Kasama pa nga si dating presidente ng Pilipinas sa Makati Med.
Sa video na ipinalabas ng Magandang Umaga Pilipinas, nasa isang tabi lang si James at hindi na siya nakita nang palabas na sa pagamutan ang mag-ina. ***
Magpapa-annul na umano ng kasal si Kris kay James ngayong patuloy na kumakalat ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Hope Centeno.
Marahil ay patatapusin lang ni Kris ang eleksiyon at ihahain na niya ang kaso laban sa basketeer.
O kaya naman ay pagkapanganak niya at saka siya magpa-file ng annulment.
Wala naman palang pre-nuptial agreement sa pagitan nina Kris at James pero gaano katotoo na may post-nuptial agreement na gustong itaguyod si James?
Sa paglabas ng mga ‘gay videos’
Mundo magugunaw?
WALANG katapusan ang mga warning. Nasa elementarya ako noon nang magsidatingan ang mga misyonaryong Amerikano na madalas, sa pagkakaalam at pagpapakilala sa akin ay kabilang sa Redemptorist Order. ‘Yon ang introduksiyon ng kura-paroko namin sa pagpapalaganap ng karagdagang ideya ng Katolisismo, una sa lahat segun sa interest nito at Kristiyanismo, sa pangkalahatan.
Siyempre’y hungkag pa lang ang kaalaman ko sa kasaysayan sa mura kong gulang (at maaari ring sabihin na kahit ngayong makunat-kunat na ang balat ko) upang malaman ang pagsasalumbayan ng mga puwersang historikal, pulitikal at relihiyo-kultural upang ang mga ito ay humulma ng kamalayan at di-kamalayan ng isang indibidwal.
Basta’t naririnig ko noon na may napipintong giyera sa Vietnam at naghahasik ng kaibang impluwensiya si Mao Tse- Tung sa Tsina sa pamamagitan ng kanyang Cultural Revolution samantalang may iringan ang Estados Unidos at USSR na nang lumaon, nang tumanda na ako ay naituro sa akin na “Cold War” ang ngalan ng intrigahang ‘yon at sa iba pang panig ng mundo ay may mga sigalot na ang internal na komposisyon ng bawat lipunan.
Ito pa ang isa. Naririnig ko na sa radyo, napapanood sa telebisyong black and white at nababasa sa mga pahayagan at magasin na lumalaganap ng mga panahong ‘yon ang liberalismo sa bawat sulok nang mga larangan kabilang ang rock sa musika, droga sa panlipunang pamumuhay ng mga tin-edyer (na kinalaunan ay tatawaging bagets), malayang kaisipan sa pagtatalik na seksuwal at iba pang modernong pamamaraan sa pagtanaw sa buhay ng ikadalawampung siglo lalo na sa ibang bansa, partikular sa Amerika.
Ang mga pari’t misyonaryo ay narinig kong nagsesermon na pinupugutan ng ulo ang matatanda sa China at binabayoneta ang mga sanggol. Ma-imagine mo ang hilakbot na itinanim ng mga impormasyong ‘yon sa aking isip.
Ito pa ang isa. Bagama’t hindi tuwirang sa mga pari at misyonaryo ito nanggaling ay kasabay ng mga panahong ‘yon ang paglantad ko sa mga sabi-sabi na ‘pag in-oral sex raw ng bakla ang isang lalaki ay hindi na magkakanak ang huli dahil nahipan ang sex organ nito.
Kung may red scare ay may gay scare.
Bagama’t sa katesismo ay naituro na noon pa mang bago dumating ang mga misyonaryo at isinasaad nito na itinatapon sa kumukulong tubig at putik ang isang makasalanan at si Dante ay may pormasyon na ng paraiso, purgatoryo at impiyerno, ang makabagong tagapamarali ng Bibliya at mga aral nito ay lalo pang pinatingkad ang pagpaparusa sa kumukontra sa aral ng simbahan at demokratikong pamahalaan na mula sa Amerika.
Ano pa kaya kung ang permisibong kaligiran noon ng Unang Daigdig ay mas lamang sa Ikatlong Daigdig tulad sa bansang Pilipinas?
Tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan.
Ano pa kaya kung noon ipinalabas ang gay sex video na “Pantasya” ni Brillante Mendoza para sa Viva Entertainment? Siguro, kukuha ora mismo ng tawas, kamanyang at baga ang mga manong, manang, pari at madre kasama ang misyonaryo at palalayasin ang mga diyablo.
Noon nga’y makita lang na nakakolorete ang pisngi ng bading, kasalanan na at pinagtatawanan, ano pa kaya kung pagtatalik na seksuwal ng dalawang lalaki ang masaksihan lalo na sa pinilakang tabing?
Siguro’y ipagsisigawan na ng mga misyonaryo na palatandaan na ito na magugunaw na ang mundo. Ilang beses na nga bang nagunaw ang mundo sa pananaw ng mga pariseyo?
Na siyang laging sinasabi ng mga konserbatibo at nananangan sa estado ng naghaharing-uri ng kahit na ano’ng uri, pang-ekonomiko man o pangkultural o pampulitikal o anumang uri.
Kung napanood kaya ng mga nagdidikta sa moralidad (lalo na sa seks) ng isang lipunan ang “Pantasya” kagabi sa Cine Adarna ng UP Film Institute, UP Diliman, ano kaya ang reaksiyon ng mga argamedonista?
Isusumpa marahil nila ang Cine Adarna at sasabihing pimamahayan ito ng mga demonyo.
O kaya naman ay ibibilang na buhay na patay na ang mga filmmaker mula kay Brillante, kilala rin sa tawag na Dante Mendoza hanggang sa iskriprayter nito na si Boots Agbayani-Pastor at hanggang sa mga artistang sina Mark Dionisio, Harold Montano, Justin de Leon at marami pang iba.
Marahil ay ipasusunog nila ang Cine Adarna at ipapa-exorcise ang isa sa mga miyembro ng Young Critics Circle na si Nonoy Lauzon na siyang kumumbinsi sa Viva Entertainment na gawan ng “One Night Only” showing ang pelikula.
Bagamat puro vignettes lang halos ang “Pantasya,” naiangat naman nito kahit na bahagya ang katuturan ng gay sex video kung ikukumpara sa palasak nang VCD ng mga pornograpiyang palabas na nabibili tatlong kopya sa halagang isandaang piso sa bangketa sa buong kapuluan.
Noong una ay isang pampalibog lang sa mga bakla na pagtatanghal ang nais ng pangasiwaan ng Viva Films na ipagawa kay Dante dahil kumita at kumikita pa rin ang unang gay sex video ng kompanya na “Provoke” na mas simple at kalandian lang ayon kay Dr. Jose A. Arrogante ng De La Salle University-Dasmariñas, Cavite.
Hindi hamak na may direksiyon ang kabaklaang obra ni Mendoza dahil kung hindi ay bakit natanggap ito sa hindi lang isa o dalawa kundi mas maraming international film festival lalo na ang mga gay and lesbian film event?
Aminado ang executive producer ng pelikula na si Ferdinand Lapus na nag-uunahan ang dayuhang merkado sa pagbili ng “Pantasya.”
Mula simula hanggang wakas, masasaksihan ang love-making ng bakla sa lalaki, ng bakla sa bakla, ng silahista sa kapwa silahista at iba pang klase ng rebeldeng seksuwalidad.
Hindi talaga ito hahayaang maipalabas sa isang bansang hinaharangan ang kalayaan sa pamamahayag upang umasenso ang buhay ng bawat isa dahil ang laging katwiran ay nakakapagpabansot at nakakapagparumi ang mga tulad nito sa isip ng balana lalo na ng mga kabataan.
Samantalang may pagpipilit ang filmmaker na maging artistiko ang pagkakagawa ng “Pantasya” lalo na sa teknikal na bahagi at sa mga eksena pa rin ng mga reyalistikong pag-atake.
Ang Biyahe (10:45am) ay tungkol sa isang selosong tin-edyer na estudyanteng bading na pumatol sa isang taxi driver na may problema sa kanyang kasintahan. Naghalikan nang maalab ang mag-aaral at drayber.
Ang Linya (1:20pm) ay hinggil sa isang parang ermitanyong binabae na nagpaige ng linya sa dalawang lineman hanggang sila ay magkaniig nang pasyonata.
Ang Laro (3:00pm) ay tungkol sa basketball at sa pagboso ng isang tagahanga na nauwi sa pakikipaglaguyo nito sa isang basketbolista.
Ang Biliiis (5:48pm) ay tumatalakay sa pizza delivery boy na nilandi ng baklang yuppie.
At ang Bantay (11:45pm) ay kuwento ng sekyu na nagpahala sa isang gay artist.
Sa pahayag ay aminado ang produksiyon na ito ay ilusyon lang ng mga bakla sa mga papa na naka-men-in-uniform sa inata-atadong limang episode.
Ang kainaman sa pelikulang ito ay may isang tao (ang delivery boy) na tumutuhog sa lahat ng kuwento at ang katuturan ng buhay sa pananaw ng isang bading ay inilantad ng pelikula.
Sa aming palagay ay sinadya nang huwag na itong ipakita sa Movie and Television Review and Classification Board dahil wala na ring silbi at eekisan pa ito.
Pero ayon kay Dante, isusumite ito ng Viva Films sa Videogram Regulatory Board dahil sa pulitikal na ekonomiya ay dumaraan ito sa ahensiyang ito upang klasipikahin na pang-VCD o DVD.
Black market talaga ang target nito at sa ibayong-dagat na hindi na malaya sa makabagong buhay.
balik sa itaas |