Taon 6 • Blg 09 • Marso 6, 2007

SAMU'T SARI , Pebrero 28, 2007
Ang Malayan Black Bug | Maricristh Magaling
eLeksiyon '07 | Limarserolf
Ang Linggong ito sa Kasaysayan


home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
SAMU'T SARI
Ergonomiko, kalusugan sa trabaho

Ano ang Ergonomiko?
Ang ergonomiko ay isang proseso o paraan ng pag-aangkop ng trabaho para sa manggagawa. Ito ay ang pagdidisenyo ng mga makinarya, mga kasangkapan at ang paraan para gawin ang isang trabaho para hindi mahirapan ang katawan ng mga manggagawa. Ipinapaliwanag nito kung paano ginagawa ng mga tao ang kanilang trabaho, kung ano ang kanilang mga galaw at posisyon ng kanilang mga katawan habang nagtatrabaho. Ipinapaliwanag din nito kung ano ang mga bagay at kasangkapang ginagamit ng mga manggagawa at ano ang epekto nito sa kanilang kasanayan at kalusugan.

Paano malalaman na mayroong pang-ergonomikong problema?
Mayroong anim na batayang salik sa panganib na kaugnay ng pang-ergonomikong problema:

1. Repetisyon o Paulit-ulit na Paggalaw — trabahong nangangailangan ng pauli-ulit na paggawa na ang gamit ay isang bahagi lamang ng katawan.
2. Matinding Puwersa — nangangailangang gumamit ang manggagawa ng matinding puwersa o lakas para magbuhat, magtulak o maghatak.
3. Hindi Magandang Posisyon ng Katawan — kung ang isang trabaho ay nangangailangan ng isang hindi komportableng posisyon para sa manggagawa.
4. Stress/Sakit na Mekanikal — kung ang isang manggagawa ay nangangailangan na parating magtulak ng isang mabigat na bahagi ng isang makina o kasangkapan.
5. Mga Kasangkapan o Makinang Tumutunog nang Paulit-ulit (Vibrating) — humahawak ng gamit ang isang manggagawa na paulit-ulit na tumutunog lalung-lalo na sa panahong malamig.
6. Temperatura — kung ang manggagawa ay kailangang magtrabaho sa ilalim ng isang napakainit o napakalamig na kalagayan.

balik sa itaas

Monkey in the Palace
Eleksiyon '07
Ang Linggong ito sa Kasaysayan

10 Marso
1906 Isinilang si Alejandro G. Abadilla sa Rosario, Cavite. Kilalang editor, kritiko at kwentista, lalo siyang bantog bilang ama ng Modernong Panulaang Tagalog. Isa sa mga organisasyong pinamunuan niya ang Kapisanang Panitikan na kinabilangan ng batang mga manunulat. Namatay siya noong Agosto 26, 1969.

11 Marso
1947 Inaprubahan sa isang plebisitong minaniobra ng mga Amerikano at ng mga papet nila sa gobyerno ang Parity Amendment. Bilang susog sa Konstitusyong 1935, ito ay nagbigay ng karapatan sa mga Amerikano na magnegosyo sa Pilipinas na tila sila ay mga mamamayan ng bansa. Ibig sabihin, may karapatan silang minahin, trosohin, bungkalin at bingwitin ang lahat ng yamang likas ng Pilipinas; o kaya ay magnegosyo sa transportasyon, komunikasyon at maging tindahang sari-sari. Sa ganitong kalagayan, niyurak-yurakan lamang nila ang mga negosyanteng makabayan at kinontrol ang ekonomiya ng Pilipinas.
1902 Namatay si Datu Utto (Anwar ud-DinUtto ang buong pangalan) sa kolera. Kilalang lider-Moro, siya ay hindi sumuko sa mga Kastila at Amerikano.

13 Marso
1970 Sa patuloy na pag-iral ng tensiyon sa Kamaynilaan sa panahon ng Sigwa ng Unang Kuwarter ng 1970, tatlong pillbox ang sumabog sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa Intramuros, sa tabi ng baraks ng may 350 trainees ng Manila Police Department. Mga aktibista ba ang may kagagawan? O pakana iyon ng gobyernong Marcos para pasamain ang aktibismo ng mga radikal?

balik sa itaas

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006