Ang papel ng magagandang tao sa mundong tuliro II

OFW , Enero 24, 2007
‘Supermaid’ ni GMA: OFW inilalako0.8-M trabaho para sa OFWMigrante nanawagan vs OBL Programang ‘Supermaid’ ni Gloria, ibasura! | Migrante, Connie Bragas-Regalado

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
BALITANG OFW

P200 bayad seguridad sa paliparan kinuwestiyon

Kinuwestiyon ng Bayan Muna Partylist ang P200 dagdag-bayarin sa mga paliparan para diumano maging ligtas ang mga pasaherong sasakay at bababa sa eroplano mula sa atake ng terorismo. Sa Pebrero 1 na ipatutupad ang naturang dagdag-singil, ayon kay MIAA (Manila International Airport Authority) General Manager Alfonso Cusi.

Sinabi ni Cusi na nangangailangan ang ahensiya ng halagang P125 Milyon para makabili ng mga kagamitang closed circuit surveillance cameras, hig-tech scanning equipment, communication devices, at iba pang dagdag na kagamitan para maproteksiyunan ang mga pasahero sa atakeng terorista. Sa naturang dagdag na singil, kikita ng P700-M ang ahensiya, bagay na kinuwestiyon ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño.

“Kung halagang P125-M lamang ang kailangan, bakit kailangang kumulekta ng halagang P700-M? Saan mapupunta ang sobrang koleksiyon?” tanong ni Casino.

Ayon pa kay Casiño, hindi na kailangan ang mga dagdag na singil dahil labis-labis na ang kinita ng ahensiya (MIAA) nitong nakaraang taon lamang.

Sa ulat mismo ng MIAA, kumita ito ng P4.4-B, mula Enero hanggang Oktubre 2006, mula sa sari-saring bayarin na ipinapataw sa mga pasahero gaya ng P500 na terminal fee at P1,680 travel tax bukod pa sa bayad sa mga kargamento o bagaheng ipinapasok ng mga pasahero sa paliparan.

Iginiit din ni Casiño na kailangang magpaliwanag ang MIAA sa publiko kung bakit kailangan ang naturang dagdag na singil gayong sapat naman ang kaukulang koleksiyon nito para itaas ang kalidad ng mga kagamitan sa lahat ng paliparan ng bansa.

Duda ng kongresista na maaring isa na naman itong “money-making scheme” ng gobyernong Arroyo para makalikom ng pondo para sa mga kandidato ng administrasyon sa darating na eleksiyon.

“Timing na timing ang pagpataw eh. Kunsabagay, di na kailangang magtanong pa ang publiko dahil halatang-halata na ito (dagdag na singil) ay para talaga sa eleksiyon,” parunggit ni Casiño.

Magsasampa ng isang resolusyon sa Kongreso ang Bayan Muna na maggigiit ng isang malalimang imbestigasyon kung saan napupunta ang labis na koleksiyon ng MIAA.

“Kailangang malaman ng Kongreso kung saan napupunata ang mga koleksiyon sa mga terminal. Ang bubuuing komite ay inaasahang mag-iimbestiga sa paggamit ng pondo ng paliparan at tutukoy sa dapat managot sakali mang nawawaldas ito,” sabi ni Casiño.

balik sa itaas | sunod

home | editoryal | opinyon | balita | suring balita | balitang OFW | lathalain | kultura | showbiz | sports | samut sari | kontakin kami
© Pinoy Weekly 2005 - 2006