| 31 Enero
1876 Si Pedro Abad Santos ay isinilang sa Pampanga. Noong 1929, itinatag niya ang Partido Sosyalista ng Pilipinas (na sumanib sa Partido Komunista ng Pilipinas noong 1930). Siya ay namatay noong 1943.
1970 Ang “Labanan sa Mendiola” ay lumawak sa mga kanugnog-lugar at tumagal hanggang madaling araw. Apat na estudyante ang napatay: Feliciano Roldan, Far Eastern University; Ricardo Alcantara, University of the Philippines; Fernando Catabay, Manuel Luis Quezon University; at Bernardo Tausa, Mapa High School. Halos 300 ang inaresto. Di mabilang ang nasugatan at marami ang dinala sa mga ospital. “Rebelyon ng mga lokal na Maoista,” ito ang tawag ni Presidente Marcos sa makasaysayang pangyayari. 2 Pebrero
1902 Itinatag ng may 140 lider-manggagawa ang Union Obrera Democratica, ang unang pederasyong manggagawa sa Pilipinas, sa Teatro Variedades, Sampaloc, Maynila. Ibinotong presidente si Don Isabelo de los Reyes at sekretaryo si Hermenegildo Cruz.
4 Pebrero
1899 Unang putok sa Digmaang Pilipino-Amerikano, na naganap sa isang tulay na ngayon ay bahagi ng San Juan, Metro Manila. Binaril ni Private William Walter Grayson ang apat na sundalong Pilipino na nagpapatrulya, nang ang mga ito ay hindi tumigil sa sigaw na “Halt” ng Kano. Ang lugar ay teritoryo ng mga Pilipino ngunit inangkin ng mga dayuhan.
balik sa itaas |