Skip to Main Content
Pinoy Weekly Online
  • Home
  • Suring Balita
  • Balita
  • Opinyon
  • Kultura
  • Lathalain
  • OFW
  • Showbiz
  • Sports
  • Samu't Sari
Login/Register
  • Create new account
  • Request new password

News Update

Pakikialam ng US sa usapang pangkapayapaan sa MILF pinaiimbestigahan     Sektor ng negosyante: Cha-cha sa 2010 na     

Photo Essay

Noong Agosto 22, lumahok sa Truth Festival sa Roxas Blvd. sa Maynila ang iba’t ibang mga puwersang sawa na diumano sa mga kasingungalingan ng gobyernong Arroyo. Simbolikong “sinagip” ng mga mamamayan ang balsang ito sa Manila Bay. (King Catoy)
Napapanahong panawagan
Nagmartsa mula sa Quirino cor. Taft Avenue ang mga miyembro ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan), bitbit ang panawagang ibasura ang Charter change. (King Catoy)
Ayaw sa Cha-cha
Bahagi ng pagbunyag sa katotohanan ang pagpinta ng mga grupong Artist's Arrest, Tutok Karapatan, Ugat Lahi at Pilipinas Street Plan ng samu’t saring dibuho sa kalsada. (King Catoy)
Sining sa kalsada
Pinakamainit na panawagan ng mga demonstrador ang pagtigil sa todo-giyera sa Mindanao. (King Catoy)
Kontra-giyera
Palaban ang mga taong-simbahan na kabilang sa mga nag-organisa at nagpanatili ng kaayusan sa Truth Festival. (Ilang-Ilang Quijano)
Organisado ng relihiyoso
Kabilang ang mga artista na sina John Arcilla at Susan Tagle sa mga nagpadaloy ng programa na dinirehe ni Cris Millado. (KR Guda)
Artista ng oposisyon
Isang sayaw-awit hinggil sa pagsasabi ng totoo ang pinangunahan ng testigo sa anomalyang NBN-ZTE  na si Engr. Rodolfo “Jun” Lozada at aktibistang lider-simbahan na si Sr. Mary John Mananzan. (KR Guda)
Sayaw-awit
Marami sa mga dumalo sa Truth Festival ang mga estudyanteng nag-walkout sa kani-kanilang mga klase sa panghihikayat ng Youth Act Now! (Youth for Truth and Accountability Now). (Ilang-Ilang Quijano)
Masayang walk-out
Sa pambihirang pagkakataon, nagtanghal ang Ballet Philippines para sa mga masang manonood. (KR Guda)
Sayaw para sa masa
Hindi kinakalimutan ang batayang mga isyu ng mamamayan, nagpapirma ang grupong Gabriela ng petisyon para tanggalin ang Value Added Tax. (KR Guda)
Isyu ng mamamayan
Matapos bigkasin ang “litanya ng mga kasingunalingan” ni Arroyo, pinasabog ang ulo ng higanteng effigy ni Hudas gamit ang mga paputok ayon sa tradisyon ng Angono, Rizal. Sa pagkakataong ito, kinakatawan umano ni Hudas ang Pangulo. (Ilang-Ilang Quijano)
Sinapit ni Hudas
Nagdidiriwang, pinaikutan ng mga kabataan ang nag-aalab na mga labi ni Hudas. (Ilang-Ilang Quijano)
Alab
Mahigit-kumulang 20,000 demonstrador ang nagmartsa sa Commonwealth Ave. noong umaga ng Hulyo 28. Nagtipun-tipon sila para sa People’s Sona (State of the Nation Address), tugon sa Sona ni Pangulong Arroyo. (BamBam Luneta)
Sona ng Mamamayan
Ang mensahe ng mga maralita, pagpapatalsik pa rin kay Arroyo.(Ilang-Ilang Quijano)
Mensahe sa Sona
Maging ang imahe ni Arroyo sa footbridge ng MMDA, di pinalampas ng nagngangalit na mga mamamayan.(Ilang-Ilang Quijano)
Sampal sa mukha
Hindi TV network na GMA, kundi si Gloria Macapagal-Arroyo, ang tinutukoy ng estudyanteng ito.(Ilang-Ilang Quijano)
Ibang GMA
Pinili ng militanteng mga kongresista na sina (mula kaliwa) Rep. Liza Maza at Luzviminda Ilagan ng Gabriela Women’s Party, at Rep. Teddy Casiño at Satur Ocampo ng Bayan Muna na huwag dumalo sa Sona ni Arroyo.(KR Guda)
Walkout
Pinasubalian ng nanay na ito ang islogan ng gobyerno na Ramdam ang Kaunlaran-wala umano siyang nararamdaman kundi kalam ng sikmura.(KR Guda)
Nararamdaman ng masa
Para sa totoong rice self-sufficiency, dapat umanong ibaba ng gobyerno ang presyo ng bigas at itigil ang pagpapalit-tanim.(Boy Bagwis)
Kambal na tugon
Matindi ang epekto maging sa kamag-anak ng mga migranteng Pilipino ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.(Boy Bagwis)
OFW at OPH
123456789next ›last »
Suring Balita | Balita | Opinyon | Kultura | Lathalain | OFW | Showbiz | Sports | Samu't Sari | Kontakin Kami | Syndicate Pinoy WeeklyRSS
Pinoy Weekly 2007, 2008
Site developed by Collective Tech | Philippine Web Hosting | Network Monitoring Service